Special Network Meeting ng Batangas Marine Protected Area at Bantay Dagat, Ginanap

Provincial Solid Waste Management Board Meeting, Isinagawa sa Kapitolyo
April 25, 2018
Tourism Projects ng Batangas Province, Iniulat
April 30, 2018

April 30, 2018

Sa pangunguna ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG – ENRO) ginanap ang isang special network meeting ng Batangas Marine Protected Area (MPA) at Bantay Dagat (BD) upang pagtalakayan ang mga mahahalagang usapin patungkol sa pangangalaga ng karagatan sa Lalawigan ng Batangas noong ika-30 ng Abril 2018 sa PG-ENRO Conference Hall, Capitol Compound, Batangas City.

Nakahanay sa agenda ng nasabing pagpupulong ang tungkol sa pagpapakilala sa Blue Finance Project na pinangunahan ni Mr. David Pangan, Investment Specialist ng Partnerships in Environmental Management for the Seas of  East Asia (PEMSEA) kung saan ipinaliwanag niya kung ano ang PEMSEA; Ocean Investment Facility; at ang tungkol sa Blue Finance  na isang project developer na maaaring maging katuwang ng Gobyerno, komunidad, NGOs at mga impact investors.

Pinagtalakayan rin ang tungkol sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Risk Resiliency Program sa pamamagitan ng Cash for Work Projects para sa Climate Change Adaptation and Mitigation na pinangunahan ng DSWD Region IV-A. Kasama dito ang pagpili sa mga proyekto, benepisyaryo at kung kailan ang implementasyon nito sa Lalawigan.

Nagkaroon din ng workshop tungkol sa formulation ng Framework para sa Sustainable MPA and Bantay Dagat Network sa pamamagitan ng Integrated Management Approach. Pinumunuan ito ni Atty. Maki Maderazo ng Conservation International – Philippines.

Layunin ng workshop na ito na magkaisa ang mga miyembro ng MPA at BD sa pag-unawa sa konsepto ng Intergrated Management; malaman kung paano maiipatupad ang mga prinsipyo nito sa mga gawain ng network; at magplano ng kung ano ang mga maaaring susunod na hakbang para sa pagprotekta ng karagatan sa probinsya ng Batangas.

Sa huling bahagi ay nagkasundo ang mga miyembro ng network sa lahat ng mga aktbidad na kanilang napag-usapan at kung kailan isasagawa ang mga proyekto. Kimzel Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.