Sitwasyon ng Lalawigan ng Batangas matapos ang Pananalasa ng Bagyong Rolly, Tinalakay

Jiangsu Chamber of Commerce of the Philippines, Naghatid ng Ayuda sa Nasalanta ng Bagyong Rolly sa Batangas
November 3, 2020
Hawaan ng COVID-19 sa Lalawigan ng Batangas, Bumagal noong Buwan ng Oktubre
November 4, 2020

November 4, 2020

Patuloy na Banta ng COVID-19, Pagsunod sa Health and Safety Protocols, Muling Ipinaalala

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang manalasa sa Lalawigan ng Batangas ang bagyong Quinta, na nag-iwan ng matinding epekto at bilyong halagang pinsala, muli na namang nasubok ang kagitingan ng mga Batangueño nang maramdaman ng husto ang pagtama ng Bagyong Rolly, na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Kaugnay nito, kaalinsabay ng lingguhang pagsasagawa ng pagpupulong ng Batangas Inter-Agency Task Force on COVID-19, na pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas, noong ika-3 ng Nobyembre 2020, tinalakay dito ang pinakahuling updates sa estado ng lalawigan kaugnay sa pagtahak ng Bagyong Rolly sa probinsya.

Batay sa huling datos na iprinisenta ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), tatlo na ang naiulat na nasawi o casualties habang isa ang injured at isa ang nawawala.

Isa sa mga naging matinding epekto ng bagyo ay ang pagkakaroon ng mga malawakan at matataas na pagbaha na nagdulot ng malaking pinsala sa mga kabahayan ng ilang mga komunidad partikular sa Batangas City. May ilan pa ring napaulat na mga kalsada ang hindi pa madaanan bunsod ng mga pagbaha, landslide, at storm surge.

Dahil dito, tuloy-tuloy ang pagtugon ng PDRRMO, Provincial Engineer’s Office, at ibang mga katuwang na ahensya sa pagsasagawa ng monitoring, assessment, at clearing operations. Dito ay isinaad ni Provincial Engineer Gilbert Gatdula na hindi umano malaki ang naging pinsala ng bagyong Rolly sa mga provincial roads sa lalawigan.

10, 147 na pamilya o may katumbas na 39, 504 na mga indibidwal naman sa 396 na Barangays sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa probinsya ang naapektuhan o lumikas bunsod ng bagyo. Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pagsasagawa ng relief operations upang maipaabot, sangayon sa direktiba ni Governor Mandanas, na maihatid ang agarang tulong sa mga nangangailangan.

Binigyang-diin naman ng gobernador na sa gitna ng naranasang kalamidad at ginagawang pagpapaabot ng suporta sa mga apektadong pamilya, muling ipinaalala nito na kinakailangan pa rin maging compliant sa ipinatutupad na minimum health and safety protocols higit lalo na sa mga nagsisilbing frontliners. Pinayuhan niya na magkaroon ng ibayong pag-iingat habang gumaganap sa mga tungkulin at ipabatid sa mga mamamayan na mayroon pang nararanasang pandemya dala ng COVID-19.

Paalala rin ni Governor Mandanas ang maaaring maging epekto ng naturang sakit sa may mga mahihinang resistensya o mga may comorbidities tulad ng hypertension, heart and kidney disease, asthma, at diabetes. Batay sa tala ng Provincial Department of Health Office, 128 sa 269 na mga nasawi sa COVID-19 ay may ibang mga nararanasang karamdaman.

Dagdag pa niya, kinakailangan na nang sama-samang pagkilos upang mapalawig at mapalakas pa ang relief efforts ng probinsya. Dito ay hiningi niya ang tulong ng mga voluntary workers tulad ng Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers gayundin ang iba pang mga kawani ng mga tanggapan sa Kapitlyo maging ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaang nasyunal.

Ayon naman kay Gng. Joy Montalbo, Department Head ng PSWDO, nagsimula nang makatanggap ang lalawigan ng mga donasyon mula sa mga pampubliko at pribadong sektor na tiniyak naman ng gobernador na asahan umano ang maayos at mabilis na pamamahagi.

Batay pa sa ulat, umabot na sa mahigit ₱116 milyon ang initial damage amount ng pinsalang iniwan ni bagyong Rolly sa sektor ng agrikultura.

Samantala, ipinagbigay-alam din ni Governor DoDo Mandanas na handa ang lalawigan na tumulong sa mga lungsod at bayan na mabigyan ng karagdagang pondo na gagamitin upang mapalakas ang kakayahan ng mga LGUs na maipaabot ang tulong sa bawat naaepktuhang Batangueño.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Junjun De Chavez, Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.