Scholarship sa Lalawigan ng Batangas, Tuloy-tuloy

Agricultural Interventions ng DA, Ipinagkaloob sa mga Batangueñong Magsasaka na Naapektuhan ng Taal Eruption
June 16, 2020
Provincial Hospitals sa Lemery at Balayan, Pansamantalang Naka-lockdown dahil sa Nagpositibo sa COVID-19
June 17, 2020

June 16, 2020

Patuloy ang programa ni Gov. DoDo Mandanas para sa lahat ng mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Sa naging panayam kay Ginoong Cris Ramos, ang namamahala sa Scholarship Division ng Kapitolyo, isinasagawa na ang ayuda at financial na tulong sa lahat ng maintainers at new qualifiers na mag-aaral sa lalawigan.

Nahinto pansamantala ang pagbibigay ng financial assistance dahil sa pagputok ng Bulkang Taal at pandemyang dala ng COVID-19, subalit nakatakdang ipamigay ang educational assistance, na may kabuuang halagang ₱ 2.5 Milyon, para sa 2nd semester ng academic year na ito.

Ito ay para sa mga iskolar mula sa mga Bayan ng Nasugbu, Balayan, Bauan, Lungsod ng Tanauan, Rosario at Lungsod ng Lipa sa linggong ito.

Sa pamamagitan ng pagtawag at mensahe sa telepono, ipagbibigay alam kung saan at kailan maibibigay ang naturang ayuda. Ayon kay Ginoong Ramos, kinakailangang ang mga mag-aaral mismo ang makapunta sa itatakdang iskedyul, pero pahihintulutan naman ang mga magulang na maging kinatawan ng kanilang mga anak, dala ang ID ng mga benepisyaryo.

Tiniyak din ni Ginoong Ramos na pananatilihin ang physical distancing at iba pang mga pag-iingat sa gaganaping distribusyon. Nais rin ni EA Ramos na ipagbigay alam sa lahat ng scholar ng lalawigan na inihahanda na sa lalong madaling panahon.

Sa kasalukuyan, nasa 71,872 na ang mga scholars ng pamahalaang panlalawigan, sa pamumuno ni Gov. DoDo Mandanas.

Schedule of Educational Assistance Distribution

NASUGBU – June 18, 2020 (DFLCMCFI and BSU)

BALAYAN – June 19, 2020 (BSU and ICC)

BAUAN – June 22, 2020 (STC)

TANAUAN CITY– June 23, 2020 (DMMC)

ROSARIO – June 24, 2020 (TLMCR)

LIPA CITY – June 25, 2020 (STI and LCC)

E.J.A. – Batangas Capitol PIO / Photo: 2018

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
12515

Comments are closed.