Proposed Flyover, Inaasahang Solusyon sa Maharlika Highway Traffic sa Lungsod ng Sto. Tomas

Housing and Livelihood Projects, Tampok sa PDC-PPOC-PADAC Joint Assembly Meeting
March 11, 2020
Batangas Capitol, Aktibong Kumikilos Kontra COVID-19
March 12, 2020

March 11, 2020

Tinalakay ang ipinapanukalang pagpapagawa ng flyover sa Lungsod ng Sto. Tomas sa ginanap na pagpupulong ng Provincial Development Council Meeting – Sectoral Committee on Physical Land Use, and Infrastructure Development noong March 10, 2020 sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Layuning malutas ng nasabing proyekto ng Department of Public Works and Highways – Unified Project Management Office-Bridges Management Cluster (DPWH – UPMO-BMC) ang masikip na daloy ng trapiko sa intersection ng Maharlika Highway sa Brgy. San Miguel ng Lungsod ng Sto. Tomas.

Hangad ng DPWH na katigan at pagtibayan ng Batangas PDC ang nasabing proyekto, upang maisama ito sa mga iniindersong proyekto ng National Economic Development Authority. Nakasalang na rin ang proyekto sa Sangguniang Panlalawigan ng Batangas para sa kaukulang endorsement.

Ang proyektong katuwang ang isang Spanish company, na inaasahang magbubukas sa taong 2023, ay may 4-lane road, na magpapabilis sa takbo ng mga sasakyan mula at patungo sa mga Lungsod ng Calamba at San Pablo, Laguna at mga Lungsod ng Tanauan at Sto. Tomas, Batangas.

Francis Japor – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
11

Comments are closed.