PDEA at Batangas PNP: Drug-Cleared Barangays, Dumami; Crime Volume, Bumaba

Imprastraktura at Programang Pang-rehabilitasyon, Prayoridad na mga Pagawain para sa Taong 2020-2021
March 10, 2020
Housing and Livelihood Projects, Tampok sa PDC-PPOC-PADAC Joint Assembly Meeting
March 11, 2020

March 11, 2020

Sa naging ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency – Batangas, ipinabatid nito na patuloy ang pagtaas ng porsiyento o dami ng bilang ng mga drug-cleared barangays sa Lalawigan ng Batangas, samantalang ibinahagi naman ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) na malaki ang ibinaba ng kasalukuyang estado ng Crime Volume at situation sa lalawigan.

Batay sa datos na inilabas ng PDEA-Batangas, 58% ang pinupunong bahagdan ng drug-cleared barangays sa lalawigan, habang nasa 40% ang nanatili pa ring drug-affected, at 2% naman sa unaffected barangays.

Para naman sa mahusay at matagumpay na pagsunod ng Pamahalaang Panlalawigan sa kampanya ng gobyerno na sugpuin ang iligal na droga sa bansa, nagkamit ang probinsya para sa taong 2018 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit Results ng moderate-high adjectival rating o may katumbas na 83 puntos.

Layunin ng performance audit na matiyak ang patuloy na pagganap ng mga ADAC gamit ang pamantayan sa pagsusuri, tulad ng organisadong lokal na anti-drug abuse council, pagpapatupad ng mga plano at programa, paglalaan ng pondo, at pagsasawaga ng regular na pagpupulong.

Ayon naman sa BPPO, malaki ang ibinaba sa Crime Volume ngayong taon kung ikukumpara ito sa nakaraang huling quarter ng taong 2019 na nakapagtala ng 1,278 krimen. Ang first quarter ng taong 2020 ay nakapagtala lamang ng 774 kaso ng mga krimen. Dahilan ito upang magkaroon ng signipikong pagbaba sa average monthly crime rate na may 1.37 difference sa 15.02 noong 4th quarter 2019 kumpara sa 13.65 lamang na naitala ngayong first quarter 2020.

Kaugnay nito, tumaas sa bahagdan at nagpakita ng growth rate pagdating sa Crime Solution Efficiency kung saan nakapagtala ang BPPO ng 79.26% efficiency noong 4th quarter 2019 at 89.02% efficiency ngayong 1st quarter 2020 na may kabuuang 9.76% growth rate difference sa pagkakaroon ng epektibong paglutas sa mga krimen.

Sa crime clearance efficiency, nakapagtala ang tanggapan ng 92.18% noong 4th quarter 2019 habang 97.93% naman para sa unang quarter ng taong ito na sumasalamin sa 5.75% growth rate difference sa naturang aspeto.

Iniulat ito sa isinagawang Joint Assembly Meeting ng Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-10 ng Marso 2020.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.