Pamahalang Panlalawigan ng Batangas, Nakiisa sa Paglulunsad ng “Isang Dahon, Isang Dunong”

BOC Batangas February 2019 collection tumaas ng 3.6%, umabot ng P11.3 Bilyon
March 11, 2019
DILG Batangas PD Mauleon, hinirang na Regional Director ng Bureau of the Treasury Region IV-A
March 13, 2019

March 12, 2019

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas nang ilunsad ng Lyceum of the Philippines University Batangas (LPU Batangas) ang “Isang Dahon, Isang Dunong”, The Sotero H. Laurel Centennial Tree of Hope, noong ika-8 ng Marso 2019 sa LPU Batangas Campus, Lungsod ng Batangas.

Ang “Isang Dahon, Isang Dunong”, isang programa para mangalap ng pondo para sa kapakinabangan ng mga LPU Scholars, ay binuksan kasabay ng sentenaryong pagdiriwang ng kaarawan ni dating Senador Sotero H. Laurel, ang nagtatag ng LPU Batangas.

Naging kinatawan ni Gov. DoDo Mandanas si Gng. Merlita Salagubang-Pasatiempo, ang In-Charge ng Education Program ng pamahalaang panlalawigan, kasama ang ilang opisyal ng Pamahalaang Panlungsod ng Batangas at mga stakeholders ng nasabing unibersidad.

Ang Tree of Hope ay sumisimbolo sa pananaw at layunin ng Batangueñong Senador na makapagbigay ng de kalidad na edukasyon para sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Batangas at buong CALABARZON. JHAY JHAY B. PASCUA/Batangas PIO, Photos by: Edwin C. Bayani

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.