Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kinilala ng BIR

209 Batangueño students, pasok sa SPES sa Kapitolyo
April 8, 2019
Cassava Farmers’ Day, ipinagdiwang sa San Nicolas
April 10, 2019

April 8, 2019

Binigyang pagkilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) – Revenue District Office (RDO) No. 58 (West Batangas) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas matapos itong hirangin bilang isa sa Top 5 Withholding Agents para sa taong 2018.

Ipinagkaloob ang nasabing recognition kaalinsabay sa ginanap na BIR Tax Campaign Program and Seminar noong ika-28 ng Marso 2019 sa Lungsod ng Batangas at personal na dinaluhan ni Governor DoDo Mandanas, bilang isa sa mga tagapagsalita sa programa.

Nakuha ng Kapitolyo ang pagiging Top 4 Withholding Agent sa pamamagitan ng mataas na remittance ng nakolektang buwis noong taong 2018, na mas mataas ng 62.27% o may kabuaang halagang mahigit 33 milyong piso, kumpara sa taong 2017.

Ang increase sa bahagdan ng remitted taxes ay naging malaking bahagi sa naging collection performance ng BIR.

Sa kanyang talumpati, ipinagbigay alam ng gobernador na ang nakokolekta o ibinabayad na buwis ay talagang nakikita at nagagamit sa tama sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships sa mga kabataan at paglalaan sa mga programang pangkalusugan, kabuhayan, at imprastraktura, tungo sa patuloy na pagpapa-angat sa antas ng buhay ng mga mamayang Batangueño.

Samantala, kabilang sa mga binigyang parangal ng BIR RDO No. 58 ay ang mga Municipal Government of Lobo (Top 1), Mabini (Top 2), San Pascual (Top 3) at City Government of Batangas (Top 5).

Kasamang nakiisa ni Governor Mandanas sa nasabing pagtitipon sina Provincial Accountant Marites Castillo, Provincial Budget Officer Victoria Culiat at Provincial Treasurer Fortunata Lat. Naging bahagi rin ng idinaos na Tax Campaign KicPk-Off si BIR Revenue Regulations 9A – CaBaMiRo Regional Director Maridur V. Rosario, kasama ang ilang mga opisyal ng BIR RDO No. 58. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.