Palugit sa 15% Discount sa Buwis sa Lupa, Ipinatutupad na ng Kapitolyo

Pagtaas ng Presyo ng Pangunahing Bilihin, Tinututukan ng Sangguniang Panlalawigan
February 5, 2021
Quarantine Protocols sa Harap ng Banta ng New COVID-19 Variants, Tinalakay ng Batangas Quarantine Bureau
February 5, 2021

February 5, 2021

Sa hangaring makatulong sa mga kababayan ngayong may kinakaharap ng pandemya, kasalukuyan nang ipinatutupad na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagbibigay ng palugit sa diskwentong 15% sa babayarang real property tax.

Alinsunod sa resolusyon na inihain at inisponsor nina 3rd District Board member Jhoanna Corona at 4th District Board Member Jonas Patrick Gozos noong ika-18 ng Enero taong kasalukuyan, pinahaba ang pagkakaroon ng diskwento sa kuwenta ng buwis sa lupa hanggang ika-28 ng Pebrero 2021.

Ayon kay Ginoong Nonato de Loyola, Local Revenue Collector ng Tanggapan ng Provincial Treasurer, sumusunod ang kanilang tanggapan sa pagpapatupad sa pagbibigay palugit sa mga taxpayers na tiyak namang nakakatulong aniya sa mga ordinaryong mamamayan.

Patunay ang hakbang sa patuloy na paghahanap ng mga pamamaraan ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna nina Gov. DoDo Mandanas at Vice Gov. Mark Leviste, para maayudahan ang mga kababayang humaharap sa kasalukuyang krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya.

Kaugnay nito, mahigpit ding ipinatutupad ang mga health and safety protocols sa pagbabayad ng buwis sa Provincial Tresurer’s Office sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Grace B. Briones – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.