Pagsasanay Para sa Trabaho at Hanapbuhay, Handog ng DSWD para sa Batangueño

Batangas Amity Tower sa Capitol Community Park, May Plano Na
July 20, 2017
Notice of Vacant Positions
July 24, 2017

July 21, 2017

Nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa Sustainable Livelihood Program na nakalaan sa disadvantaged Batangueños noong ika-14 ng Hulyo 2017 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Pinagkasunduan ang pagpapatupad ng nasabing livelihood program sa Lalawigan ng Batangas, na kinatawan ni Gov. Dodo Mandanas, ng DSWD, na kinatawan naman ni DSWD IV-A Regional Director Leticia Diokno. Pormal ding ibinigay ng DSWD sa pamahalaang panlalawigan ang halagang mahigit PhP81 milyon na ilalaan para sa skills training na naglalayong palakasin ang kakayahang makakuha ng trabaho at makapagsimula ng hanapbuhay at micro-enterprise o maliit na mga negosyo.

Ayon sa Provincial Social Welfare and Development Office Asst Dept. Head Flor Lachica, partikular na nakatuon ang programa, na may temang “Handog na Kakayahan, Hanapbuhay na Pangmatagalan,” sa mga “kababayan nating mahihirap na walang basta basta mapagkukunan ng ayuda o suporta.”

Nakikipag-usap na ang pamahalaang panlalawigan sa maraming potential service providers na magbibigay ng nasabing mga skills training.

Kasama ni Gov. Mandanas na dumalo sa pagtitipon sina DSWD National Director for Sustainable Livelihood Program Amada Pornaras, DSWD R-IV Asst. Regional Director Anne Mendoza, 6th District Sr. Board Member Wheng Sombrano-Africa, 5th District Board Member Bart Blanco, PSWD chief Joy Montalbo, Provincial Cooperative head Celia Atienza. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.