Pagpaparehistro ng mga anak na PWDs, ipinanawagan sa Lungsod ng Batangas

Batangueño PWDs, dumalo sa DOH Summit
August 1, 2019
Notice of Vacant Position
August 2, 2019

August 1, 2019

Hinihikayat ng Pamahalaang Panlungsod ng Batangas ang mga magulang na may mga anak na Persons with Disabilities (PWD) na makiisa sa pagpapa-rehistro ng kanilang mga anak na PWDs sa pamahalaang lokal.

Ito ang naging ulat ni Rosalie Asis-Corollo, Vice President ng Federation of PWDs sa Lungsod ng Batangas at kawani ng Provincial Information Office, matapos ang isang pagtitipon ng mga PWDs na ginanap sa Batangas City Convention Center noong ika-29 ng Hulyo 2019.

Hiningi ang tulong nga mga magulang dahil marami pa rin ang napapaulat na hindi pa rin pinalalabas sa kanilang mga tahanan ang mga kapamilyang PWDs dahil ikinahihiya ang mga ito.

Upang malaman ang kanilang mga benepisyo at karapatan, pinapayuhan sila na magtungo sa City Social Welfare and Development Office, sa pangunguna ni Gng. Mila Espaniola, at magdala ng mga kinakailangang dokumento, tulad ng pagpapatunay galing sa duktor sa klase ng kapansanan ng isang bata.

Sally Corollo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.