Paglilikas sa mga hayop sa palibot ng Bulkang Taal tinututukan

“All Hands on Deck” ang Uniformed Services para sa TAAL Volcano Relief and Rescue Operations
January 19, 2020
Pagtatayo ng mga Interim Resettlement Areas para sa mga apektado ng Taal Volcano, iniatas na ni Gov. Mandanas
January 20, 2020

January 19, 2020

Kaugnay ng biglaang paglikas sa mga bayan na nasa palibot ng Lawa ng Taal nang pumutok ang Bulkang Taal, maraming mga hayop ang naiwan sa mga bahay at pamayanan dito.

Kung kaya’t isang emergency meeting, na tinawag na “Project TAAL: Treat All Animals with Love,” ang isinagawa noong ika-15 ng Enero 2020, sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office (ProVet), katuwang ang ilang mga animal welfare groups.

Ilang teams ang binuo, sang-ayon sa isang action plan, upang isagawa ang pagsagip, kabilang ang kawani ng ProVet, mga kinatawan ng local government units, livestock owners at non-government organizations.

Ayon kay Provincial Veterinarian, Dr. Romelito Marasigan, 207 barangay sa 11 bayan ang tinatayang may mga hayop na kailangang ng agarang responde. Prayoridad ang mga bayang pinakanaapektuhan, kabilang ang Agoncillo, Balete, Talisay, Lemery, at San Nicolas. Ayon sa data ng ProVet, tinatayang nasa mahigit kumulang 800,000 ang animal population na kinakailangang ilikas, kabilang ang mga baka, kalabaw, baboy, manok, kambing, kabayo, aso, at pusa.

Ayon kay Dr. Marasigan, nabanggit sa meeting na ang pangunahing pangangailangan ng proyekto para magtagumpay ay ang supply ng pagkain at inumin para sa mga hayop, pansamantalang tirahan, first aid treatment, mga gamot, at rescue vehicles. Iminungkahi din sa meeting ang pagdadala ng scaffolds at lumber para gawing pansamantalang tirahan ng mga hayop sa oras na kulangin sila ng paglalagakan sa mga ito.

Agarang pagtatayo ng mga common points ang mungkahi ng ilang mga beterinaryo upang malapatan ng paunang lunas at mabigyan ng pagkain ang mga maililigtas na hayop. Lalagyan ng tag or marker ang mga nailigtas na hayop, base sa kung saang lugar nila niligtas para sa identification ng may ari ng hayop.

Ilan sa mga problema kinakaharap ng misyon ang bio-security concern, kung saan pinagtalakayan nakaambang panganib na dala ng mga nakakahawang sakit gaya ng swine flu at iba pa; at, animal euthanasia, kung saan mainit na pinag-usapan kung dapat pa bang iligtas ang mga malalaking hayop na naghihingalo o patayin sa pamamagitan ng mercy gunshot.

Batangas Capitol PIO, Photos: PNP Maritime

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.