Pagdaan ng Mabibigat na Sasakyan sa Taysan, Ipinagbabawal

Programang Pang-agrikultura sa Taong 2021, Binalangkas ng Local Agri Officials ng Batangas Province
February 12, 2021
Alay Lakad Scholars, Nakatangap ng Assistance
February 13, 2021

February 13, 2021

Kasalukuyang ipinagbabawal ang pagdaan ng mga mabibigat na mga trak sa kahabaan ng Poblacion – Dagatan Provincial Road sa Bayan ng Taysan, Batangas, na ipinatutupad sang-ayon sa Special Ordinance No. 001-2020.
Ang truck ban ay para sa mga behikulong may bigat na 18 na tonelada pataas, na nagsimula noong ika-15 ng Nobyembre 2020 at magtatapos sa ika-14 ng Hunyo 2021.

Ang lokal na batas ay inaprubahan ni Governor DoDo Mandanas matapos ipasa ng Sangguniang Panlalawigan sa bisa ng inihaing mosyon na pinangunahan ni 2nd District Board Member Wilson Leandro Rivera, at pagpapatunay ni 5th District at Senior Board Member Ma. Claudette Ambida na kumatawan kay Vice Governor Mark Leviste bilang Temporary Presiding Officer.

Ang naturang ordinansa ay tugon sa rekomendasyon ng Provincial Engineering Office na pansamantalang isara ang nasabing kalsada, na may habang 1,556 na metro.

Sa kanilang technical report, iniulat ni Provincial Engr. Gilbert Gatdula na kanilang napapansin na ang mga provincial road sa nasabing bisinidad ay mabilis na masira dahil sa pagdaan ng mga 10-wheeler at 12-wheeler trucks na may kargang semento at nagmumula sa mga quarry sites.

Sa pamamagitan ng truck ban, maisasagawa ang pagsasaayos ng kalsada ng tuloy-tuloy at tama sa iskedyul, at masisigurong wasto ang magiging “curing” o pagpapatigas ng ibinuhos na semento upang mas makayanan ng kalsada ang pressure at vibrations na dulot ng mga dumadaang mga malalaking sasakyan.

Ang mga mahuhuling lalabag dito ay magmumulta ng limang libong piso at makakansela ang trasport permit at iba pang permit na inisyu ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Ang pagsusulong ng ordinansa ay naglalayong mapahaba ang maayos na katatayuan ng mga ipinapagawang provincial roads, na dahil nga sa maagang pagbubukas, lalo na sa mabibigat o overloaded na mga trak ay mabilis ding nasisira, na nagreresulta sa mga aksidente, pagbagal na daloy ng mga sasakyan, pagsisikip ng daan at malakihang perwisyo sa mga taong dumadaan dito.

Junjun Hara De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.