‘pag “Push ng pagkain ng wasto, pagiging aktibo” ipinagdiwang sa Kapitolyo

Lalawigan ng Batangas, 3rd Top Destination sa Pilipinas noong 2018
July 29, 2019
Scientific, Tech/Voc Equipment para sa Junior at Senior HS, ipinamahagi ng Kapitolyo
July 31, 2019

July 31, 2019

Sa pagkain at pagluluto, Iodized Salt laging gamitin. Naging tampok na gawain ng Batangas Provincial Nutrition Committee, ang isinagawang poster slogan contest para sa mga Grades 5 and 6 public elementary school students tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng Iodized Salt sa pagluluto at pagkain. Nanguna sa kompetisyon si Kristel Kim Orna (7th na nakatayo mula kaliwa) mula Quiling Elementary School ng Talisay. Ginanap ang awarding, na pinangunahan nina Gov. DoDo Mandanas, Board Member Arlene Magboo at Dr. Rose Ozaeta, sa Culminating Program ng 45th Nutrition Month Celebration noong ika-30 ng Hulyo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Vince Altar / Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Taos-pusong nagpasalamat si Gov.DoDo Mandanas sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ng Lalawigan ng Batangas sa kanilang boluntaryong paglilingkod sa bawat pamayanan sa lalawigan upang maisakatuparan ang mga proyekto ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapalaganap ng wastong nutrisyon.

Ito ang binigyang-diin ng Batangas Governor sa kanyang mensahe sa Culminating Program ng 45th Nutrition Month Celebration ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-30 ng Hulyo 2019 na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Dagdag pa ni Gov. Mandanas, patuloy na binabalangkas ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan upang mas mapataas pa ang quarterly honorarium na naibibigay sa mga BNS at iba pang mga baranga volunteer workers, at makapagbigay pa ng iba pang ayuda sa pamilya ng mga ito, katulad ng educational assistance para sa mga anak at apo.

Ang 2019 edisyon ng taunang pagdiriwang, sa pangunguna ng Batangas Provincial Nutrition Committee (PNC), ay ginabayan ng temang “Kumain ng wasto at maging aktibo..Push natin ‘to!” Kinilala at pinasalamatan din ni Provincial Health Officer, Dr. Rose Ozaeta, na siya ring tumatayong Provincial Nutrition Action Officer, ang patuloy na pagsisikap ng lahat ng stakeholders sa lalawigan upang maabot ang mga layunin ng Philippine Plan of Action for Nutrition para sa taong 2018, kabilang ang mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan, city at municipal governments, at mga barangay; at, mga barangay volunteers.

Binigyan ng Certificates of Recognition at cash incentives ang mga longest serving City and Municipal Nutrition Action Officers (CNAO / MNAO), sa pangunguna ni Luciana A. Manalo, CNAO ng Batangas City na 38 taon nang naglilingkod.

Kinilala rin sina Cecilia Perez, MNAO ng Taysan (29 years); Gerarda Silang, MNAO ng Mabini (26 years); Jeanne Aclan, MNAO ng Lobo (23 years); at, Ludy De Castro, MNAO ng San Juan (23 years).

Naging tampok ring gawain ng PNC, sa pamamagitan ng Bantay Asin Task Force, ang isinagawang poster slogan contest para sa mga Grades 5 and 6 public elementary school students tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng Iodized Salt sa pagluluto at pagkain. Napanalunan ni Kristel Kim Orna ng Quiling Elementary School ng Talisay ang First Prize, na sinundan nina Pauline Ruth Macaspac ng Lemery Pilot Elementary School (2nd place), at Princess Jacqui Fabiala ng Padre Imo Luna Memorial Elementary School ng San Jose.
Binigyan din ng parangal ang mga Outstanding Municipal Nutrition Committees, base sa kanilang mga naipatupad mula sa kanilang 2018 program, sa pangunguna ng Munisipalidad ng Sto. Tomas, at sinundan ng Munisipalidad ng San Jose at Munisipalidad ng Calaca. Sang-ayon dito, ang mga MNAO din ng mga nabanggit na mga bayan ang nahirang na mga Outstanding Municipal Nutrition Action Officers, na sina Maria Cristina Girlie Solleza, Edwin Cantos, at Clara Pilapil, ayon sa pagkakasunod.
Sa hanay naman ng mga BNS na aktuwal na naglilingkod sa mga barangay, nanguna si Bernardita Valdoz ng Barangay Bayudbud, Tuy sa pagpapatupad ng 2018 nutrition program at nagwagi bilang Outstanding Barangay Nutrition Scholar. Sinundan siya nina Mary Ann Sumcad ng Barangay Ibabao, Cuenca, at Carina Atienza ng Barangay Puting Bato, Calaca.
Naging Keynote Speaker sa pagtitipon si Ms. Ezra Minette Lasin ng National Nutrition Council – CALABARZON. Nakiisa rin sa programa sina Vice Governor Mark Leviste, Board Member Willy Malicsi, at 2nd District Board Member Arlene Magboo, na Chairperson ng Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Panlalawigan at Vice Chairperson ng PNC. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.