Linggo ng Kabataan ipinagdiwang sa Kapitolyo

Industriya ng Kape sa lalawigan ng Batangas, patuloy na pinalalakas
September 16, 2019
Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, nakiisa sa launching ng bagong education project ng USAID na Gabay
September 16, 2019

September 16, 2019

Ang Pamahalang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan (SK) Provincial Federation, ay nakiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan para sa taong 2019 sa pamamagitan ng isang serye ng mga aktibidad noong ikalawang linggo ng Setyembre.

Naging katuwang ng SK ang Office of the Provincial Assistance for Community Development (PACD) sa pagdaraos ng ilang mga gawain sang-ayon sa Republic Act 10742 o ang “The Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.”

Kabilang dito ang Batangas Youth Assembly 2019, na may temang “Transforming Education,” na isinagawa sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika- 9 ng Setyembre 2019 at dinaluhan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Batangas.

Ipinakilala rin ni SK Provincial Federation President, Board Member Maria Louise Vale, ang mga Youth Officials, na tumayong mga counterparts ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan, na nabigyan ng pagkakataong obserbahan ang ginagawa ng mga kani-kanilang mga kinatawang tanggapan.

Tinanghal na Youth Governor si Mariz Quizon ng Lungsod ng Lipa City, at Youth Vice Governor si Kenneth Roi Maramot ng Bayan ng San Pascual. Naging mga Youth Board Members naman sina Nicole Austria Medina ng Agoncillo, Angelo Neil Amurao ng Alitagtag, Vhania Basilan ng Bauan, James Yabyabin ng Ibaan, Francine Nichole Ramirez ng Lemery, Vincent Ronato ng Lian, Erica Gwyn Rubio ng Malvar, Zarene Anne Bernabe ng San Luis, Catherine Sese ng Sto. Tomas City, at Alheia De Castro ng Tanauan City.

Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni BM Vale ang kahalagahan ng edukasyon sa kabataan at ang adhikain ng SK na maipaabot ng pantay-pantay ang pagkakataong makapag-aral tungo sa kaunlaran ng bayan.

Nagpasalamat din ito sa mga naging katuwang sa kanilang mga proyekto, kabilang ang PACD, sa pangunguna ni Ginang Fredesvinda Mendoza.

Naging tampok na aktibidad din ng SK ang Search para sa Lakan at Lakambini ng Batangas 2019 na ginanap sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City noong ika-14 ng Setyembre.

Shelly Umali – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.