Lemery, San Juan, Tanauan, Kampeon sa 2018 Gov. Mandanas Inter-LGU Sports Competition

Health and Wellness Forum para sa mga Kababaihang Senior Citizens, Isinagawa
December 13, 2018
Batangas Provincial Jail, Nagbigay ng Ulat
January 7, 2019

Galing ng Batangueño sa sports. Ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Juan ang kampeon sa women’s volleyball at 2nd place sa men’s volleyball sa 2018 Gov. Mandanas Inter – LGU Sports Competition. Gold medallists ang Lemery sa basketball at Tanauan City sa men’s volleyball. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

December 13, 2018

Galing ng Batangueño sa sports. Ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Juan ang kampeon sa women’s volleyball at 2nd place sa men’s volleyball sa 2018 Gov. Mandanas Inter – LGU Sports Competition. Gold medallists ang Lemery sa basketball at Tanauan City sa men’s volleyball. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Pagkatapos ng lahat ng aksyon at tagisan ng galing sa 2018 Gov. Mandanas Inter – LGU Sports Competition, nagkampeon ang Municipal Government of Lemery sa men’s basketball, ang Municipal Government of San Juan sa women’s volleyball at City Government of Tanauan sa men’s volleyball.

18 local government units ang lumahok sa sports competitions na nagsimula noong ika-24 ng Oktubre 2018 at nagtapos noong ika-13 ng Disyembre 2018. Ito ay hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD), na pinamumunuan ni Dr. Amante Moog.

Sa men’s basketball, tinalo ng Lemery ang San Pascual sa best of 3 finals na umabot ng winnier take all Game 3 na ginanap sa bayan ng Cuenca. 3rd placer ang City Government of Lipa, na kampeon noong 2016 at 2017 editions ng liga, at 4th placer ang Municipal Government of Rosario.

Naging back to back champions naman ang San Juan sa sa women’s volleyball, matapos nilang maungusan ang Municipal Government of San Pascual. 3rd placer ang Tanauan City at 4th placer ang Municipal Government of Talisay. Tinanghal na Most Valuable Player si Ericka Jane Tenoria ng San Juan, samantalang Mythical Six sina Tenoria at Lenilyn De Ocampo ng San Juan; Elsie Borja at Imee Capacia ng Tanauan City; Nahura Abdul ng San Pascual; at Ma. Jubie Ilagan ng Talisay.

Sa volleyball men’s division, nanaig ang champion Tanauan City kontra sa nag 2nd place na San Juan, 3rd placer ang Municipal Government of Balayan at 4th placer ang Municipal Government of Lemery. MVP si Renz Francis Villanueva ng Tanauan at naging bahagi ng Mythical Six sina Villanueva at Ronald Castillo ng Tanauan City; Alvin John Samonte ng San Juan; Resty Tolosa at Francis Ogerio ng Lemery; at Michael Marquez ng Balayan.

Nakatanggap ng trophy, medals at cash ang mga top 4 finishers. Ang champions ay may cash prize P100,000.00; P75,000.00 ang sa 2nd placer; P50,000.00 ang sa 3rd placer; at, P25,000.00 ang sa 4th placer.

Layon ng palaro na mapagkila-kilala at mapalakas ang samahan ng mga kawani ng gobyerno sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa lalawigan sa larangan ng palakasan at pantay na kompetisyon. ✎ Shelly Umali – Batangas Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.