Lalawigan ng Batangas, Nananatiling Naka-full Alert sa Banta ng COVID-19

Batangas Province IATF Situation Report
April 28, 2020
Disinfection sa mga Public Markets sa Lalawigan ng Batangas, Tuloy-tuloy na Isinasagawa
May 5, 2020

April 29, 2020

Sa harap ng muling pagpapalawig ng Luzon Enhanced Community Quarantine, na tatagal pa hanggang ika-15 ng Mayo 2020, sa ilang mga lugar sa bansa, kabilang ang Lalawigan ng Batangas, ang Pamahalaang Panlalawigan, katuwang ang iba’t-ibang Local Government Units (LGUs) at mga ahensya ng gobyerno, ay hindi tumitigil upang mas mapaigting pa ang pagtugon at ginagawang mga hakbang upang tuluyang masugpo ang pangkalusugang krisis.

Batay sa huling inilibas na situational report noong ika-29 ng Abril 2020 ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Joselito Castro, may kabuuang 21 na Incident Command Systems, 12 Task Forces, at 4 Emergency Operations Centers sa buong lalawigan ang aktibo at nagsisilbing response mechanism sa pagtugon sa epektong dala ng COVID-19 pandemic.

Sa nasabing ulat, ang Provincial Social Welfare and Development Office ay patuloy na nakatutok sa pagbibigay ng food assistance sa probinsya. Kabilang dito ang rice subsidy para sa mga Day Care Children mula sa mga bayan ng Calatagan, Lian, Nasugbu, Tuy, San Pascual, at Ibaan. Umabot na sa halos 135,000 na pamilyang Batangueño ang nakatanggap ng social amelioration cash assistance mula sa pamahalaang nasyunal, na may kabuuang halagang P 874,458,000.

Nasa 42 naman na ang Quarantine Control Points (QCPs) sa lalawigan na pinangunguhan ng Philippine National Police (PNP). Kaisa rin ang PNP sa inspeksyon ng quarantine pass, istriktong pagsunod sa social distancing at pagsusuot ng face mask.

Binibigyan naman ng tulong at gabay ng tanggapan ng PDRRM ang ilang mga stranded na indibidwal na mula sa Quezon Province at Camarines Norte.

Tuloy-tuloy rin ang pagsasagawa ng PDRRMO ng orientation training para sa mga designated funeral services personnel ng iba’t-ibang LGUs sa probinsya na magbibigay ng karagdagang kaalaman pagdating sa maayos na pangangasiwa ng labi ng mga namamatay na COVID-19 patients. Sa katunayan dalawang batch na o may kabuuang 48 na funeral staff na ang sumailalim sa naturang pagsasanay.

Kaugnay nito, nagsusumite rin ang Department of the Interior and Local Government – Batangas, bilang itinalagang ahensya, ng ulat ukol sa management of the dead cluster.

Nakatalaga naman ang welfare desk ng Philippine Red Cross – Batangas Chapter sa ilang mga bayan sa lalawigan bilang bahagi ng kanila Taal Ops/COVID-19 Response. Kasalukuyan na ring binubuo ang testing center na magagamit upang mas mapabilis at mapalawig ang ginagawang pagsusuri o specimen collection sa probinsya.

Samantala, ang Provincial Department of Health Office (DOH) at Provincial Health Office ay patuloy rin sa kanilang mga isinasagawang pagpupulong, monitoring, at updating, kasama ang lahat ng miyembro ng Batangas Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga kaso ng COVID-19 na naitatala sa lalawigan.

Batangas Capitol PIO
Photo: Lito Castro – PDRRMO, Eric Arellano – PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
4

Comments are closed.