Kampanya Laban sa ASF, mas Pinaigting pa sa Batangas Province

Tulong Taal: Tanauan, Agoncillo at Lemery Beneficiaries Tumanggap ng Cash Assistance
February 27, 2020
CALABARZON State of Calamity, Idineklara ni Pang. Duterte
March 3, 2020

March 3, 2020

Activation ng ASF Task Force sa Lahat ng Lungsod at Munisipalidad, Ipinag-utos ng Kapitolyo

Ipinagaganap na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ang mas pinaigting pang kampanya o Prevention and Control Measures laban sa African Swine Fever (ASF) matapos magpositibo kamakailan sa naturang virus ang mga baboy mula sa Bayan ng Laurel.

Ang kauna-unahang kaso ng ASF sa Batangas ay kinumpirma, sa pamamagitan ng Advisory No. 2020-02 na inilabas ng OPV, noong ika-28 ng Pebrero 2020 kung saan ang pagsusuri sa mga blood samples ay isinagawa sa Animal Disease Diagnostic and Reference Laboratory ng Bureau of Animal Industry.

Kaugnay nito, siniguro ng pamahalaang panlalawigan ang tuloy-tuloy na pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan nito sa lahat ng pamahalaang pambayan at panlungsod sa probinsya, at panrehiyong tanggapan ng Kagawaran ng Agrikultura para mabilis na masugpo ang pagkalat ng nasabing virus.

Kabilang sa mga naisagawa na, bilang bahagi ng diseases control measures, ang depopulation o pagkatay at paglibing ng lahat ng baboy sa 1-km radius mula sa apektadong lugar, implementasyon ng mahigpit na border control at biosecurity measures sa 1-km radius mula sa apektadong lugar at municipal boundaries ng Bayan ng Laurel, pagkompleto sa sero-surveillance sa 7-km radius mula sa apektadong lugar upang matiyak na hindi na kakalat ang virus, pagpapalawig ng ASF Information and Education Campaign hanggang sa Barangay Level, at pagbabawal sa pagkakatay sa mga bahay-bahay.

Ipinag-utos na rin ng Kapitolyo ang activation ng ASF Task Force sa lahat ng lungsod at munisipalidad, nang sa gayon ay mas matutukan pa ang pagsugpo ng pagpasok at pagkalat ng ASF.

Samantala, hiniling naman ni Governor DoDo Mandanas ang suporta ng lahat sa kasalukuyang kinakaharap na hamon. Nanawagan din ito sa publiko na ipagbigay-alam o iulat sa mga awtoridad kung sakaling may napag-alaman na impormasyon, tulad ng hindi normal na pagkamatay ng mga baboy; iligal na pagpasok at pagbebenta ng buhay na baboy, karneng baboy, at mga pork products; at pagbabawal sa swill feeding o pagpapakain sa mga baboy ng tira-tirang pagkain.

Mark Jonathan M. Macaraig, Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.