Housing and Livelihood Projects, Tampok sa PDC-PPOC-PADAC Joint Assembly Meeting

PDEA at Batangas PNP: Drug-Cleared Barangays, Dumami; Crime Volume, Bumaba
March 11, 2020
Proposed Flyover, Inaasahang Solusyon sa Maharlika Highway Traffic sa Lungsod ng Sto. Tomas
March 11, 2020

March 11, 2020

Sa naging pahayag ni Governor DoDo Mandanas sa isinagawang Joint Assembly Meeting, na binubuo ng Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang makapagbigay ng kaginhawaan sa pamamagitan ng pagtutok sa mas pinalawig na programang pabahay at mga proyektong pangkabuhayan. Dito ay binigyang-diin ng gobernador na dadamihan pa ang mga itatayong pabahay kung saan isasama na ito sa magiging development plan ng probinsya para sa kasalukuyang taon.

Ayon pa sa gobernador magkakaroon din ng pakikipag-ugnayan sa pampubliko at pribadong mga organisasyon o institusyon para makapaghatid o makalikha ng maraming livelihood opportunities.

Isusulong din aniya ang mga pangkabuhayang may kinalaman sa agrikultura, kalakalan, at turismo na siyang kilala at kinagisnan nang pinagkakakitaan ng mga naapektuhang pamilya at indibidwal sa pagputok ng bulkan. Maiisakatuparan umano ito sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa operasyon sa Batangas Economic Enterprise Program.

Sa pangunguna ni Gng. Celia A. Atienza, Department Head ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) at Chairperson ng Sectoral Committee on Economic Development, tinalakay niya ang ilang mga economic services na nasasaklaw sa binabalangkas na investment program ng probinsya na isusulong para mapabilang sa Supplemental Annual Investment Program 2020.

Kabilang sa hanay ng livelihood projects ang construction and operationalization of hollow blocks and bricks production center na magbibigay-daan sa mga sasailalim sa pagsasasanay upang magkaroon ng mas mabilis na produksyon ng nasabing produkto at maayos na pasilidad. Bukod dito, kasama rin ang ilang diverse livelihood projects tulad ng Animal Dispersal, Animal Contract Growing, at Food Carts o Food Stalls.

Ang pagpupulong na ito ay ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-10 ng Marso 2020.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.