Hawaan ng COVID-19 sa Lalawigan ng Batangas, Bumagal noong Buwan ng Oktubre

Sitwasyon ng Lalawigan ng Batangas matapos ang Pananalasa ng Bagyong Rolly, Tinalakay
November 4, 2020
Proyektong “Hakbang Ikaw, Magiting”, Sinimulan
November 5, 2020

November 4, 2020

Bilang ng mga Aktibong kaso ng COVID-19 sa Probinsya, Patuloy na Bumababa

Nakakita ng pagbaba o downward trend sa kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Lalawigan ng Batangas ang Provincial Department of Health Office (PDOHO), batay sa huling datos na inilibas nito sa isinagawang lingguhang pagpupulong ng Batangas Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 noong ika-3 ng Nobyembre 2020.

Kaugnay nito, iniulat ng PDOHO na nagkaroon ng pagbagal sa hawaan ng COVID-19 noong nakaraang buwan ng Oktubre kung saan nasa 1,905 na lamang ang aggregated confirmed number of cases o kabuuang mga nahawa at nagpositibo sa sakit sa loob ng isang buwan kumpara noong Setyembre na lumobo sa mahigit 3,388, na pinakamataas na naitala ng naturang tanggapan para sa probinsya.

Sa active confirmed COVID-19 cases, ipinaalam din ng PDOHO, ayon sa sa datos noong ika-25 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre, bumaba na umano ang mga kaso sa ilang mga lungsod at bayan, kabilang ang pagbalik sa zero case ng mga bayan ng San Nicolas at Tingloy kung saan recovered na ang mga naitalang nagpositibo sa virus.

Bukod dito, binigyang-diin ng Provincial DOH na bagaman may ilan pa ring pasyente na naka-home quarantine, malaki na umano ang ibinaba ng mga kumpirmadong pasyente na sa bahay nagpapagaling, simula nang ipagganap sa lalawigan ang No Home Quarantine Policy.

Maituturing na rin anila itong tagumpay dahil marami na ang naitayong Temporary Treatment and Monitoring Facilities at mga itinalagang COVID-19 isolation hotels o mas kilala sa tawag na Oplan Kalinga, dahilan upang mailipat ang mga positive patients sa naaangkop na pasilidad, bilang pagpapatupad, sa pangunguna ng Provincial Health Office, ng mas maayos na containment strategy, nang sa gayon ay mapagilan ang pagkalat pa ng sakit sa probinsya.

Malaki naman ang naging pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa pamunuan ng National Task Force Against COVID-19 lalo na sa mga bumubuo ng Oplan Kalinga Program.

“Maganda ang operation ng Oplan Kalinga. Nakita natin na malaki ang tulong nila (at) marami na ang tinutulungan nito. I would say it is successful,” ani Governor Mandanas.

Dagdag pa ng gobernador, sa parte ng lalawigan, patuloy pa rin aniya ang isinagawang mga improvements at rehabilitation ng mga ospital, kasama ang pagtatayo ng bagong pasilidad pagamutan, ang Batangas Provincial Medical Center sa Bayan ng Calaca.

Pahayag naman ni Dr. Rosvilinda Ozaeta, Provincial Health Officer na hindi isasantabi ang problema na dala ng COVID-19 partikular sa naranasang kalamidad ng lalawigan kung saan may mga mamamayan na lumikas sa mga evacuation centers. Naglatag si Dr. Ozaeta ng ilang mga hakbang o proseso sa pagtiyak na ligtas na makakabalik ang bawat isa sa kani-kanilang mga tahanan o pamilya ng walang mangyayaring hawaan o pagkalat ng sakit.

Nagbigay rin ng update sa nasabing pagpupulong si Dr. Gerald Alday, Incident Commander ng Provincial IATF, na patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa Oplan Kalinga para maipagpatuloy ang Aggressive Community Testing sa probinsya sa oras na muling payagan ng Red Cross para sa mas mabilis na paglalabas ng resulta. Malaki aniya ang maitutulong nito lalo na sa mga pamilyang naapektuhan at lumikas bunsod ng bagyong Rolly na magpapakita ng sintomas.

Samantala, batay sa November 2, 2020 na datos, bumaba na sa 800 ang active COVID-19 cases ng lalawigan habang patuloy na nadaragdagan ang recoveries na nakapagtala na ng 8,354. Nananatili naman ang umiiral na General Community Quarantine (GCQ) status sa Lalawigan ng Batangas na tatagal hanggang sa buong buwan ng Nobyembre, batay sa naging anunsyo ng Pamahalaang Nasyunal, alinsunod sa rekomendasyon ng National IATF on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), noong ika-27 ng Oktubre 2020.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.