Financial assistance ng PSWDO sa Kapitolyo, Tuloy-tuloy; Safety Protocols, Mahigpit na Ipinatutupad

Notice of Award – Purchase and Delivery of Face Mask
September 3, 2020
“Work-Life Balance Training” para sa Capitol Employees, Isinasagawa ng PHRMO
September 4, 2020

September 4, 2020

Muling namahagi ng ayudang pinansiyal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga nangangailangang Batangueño noong ika-2 ng Setyembre 2020, na ginanap sa DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ang naturang financial distribution ay sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na patuloy na isinasagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang Provincial Treasurer’s Office.

Noong nakaraang buwan ng Agosto, umabot sa 392 na mga indibidwal ang naabutan ng ayudang pinansyal ng administrasyong Mandanas na may kabuuang halagang ₱4,378,000.

Ayon sa PSWDO, upang masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado ng Kapitolyo at publiko sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19, mahigpit na ipinatutupad ang mga health at safety protocols. Bukod ditto, idinadaan na online ang pagsusumite ng mga aplikasyon para sa financial assistance.

Sa kasalukuyan umano, tanging ang mga nangangailangan ng chemotherapy, dialysis, at iba pang mga special procedures, katulad ng CT Scan at MRI, burial assistance ng mga pumanaw na barangay functionaries. at COVID-19-related cases ang napoproseso ng nasabing tanggapan.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.