Cassava Farmers’ Day, ipinagdiwang sa San Nicolas

Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kinilala ng BIR
April 8, 2019
1st Batangas Provincial SK Summit, idinaos
April 11, 2019

April 10, 2019

Ipinagdiwang ng Munisipalidad ng San Nicolas ang Cassava Farmers’ Day noong ika-2 ng Abril 2019, upang ipagmalaki at ibida ang nasabing root crop na mas kilala bilang kamoteng kahoy o balinghoy.

Ang pagdiriwang, sa pangunguna ni San Nicolas Mayor William Marquez, ay dinaluhan nina Mrs. Avelita Rosales, Regional Corn – Cassava Coordinator ng Department of Agriculture Region IV-A, mga event sponsors at stakeholders na may koneksyon sa pagtatanim at pangangalakal ng cassava.

Tampok sa pagdiriwang ang “pinaka” contest, na nilahukan ng mga Barangay Munlawin, Calangay at Sto.Nino ng San Nicolas.

Nagwagi ang Brgy. Sto Nino sa pinakamabigat na kamoteng kahoy, na may timbang na 8.5 kg; pumangalawa ang kamote ng Brgy. Munlawin, na naitala na 8.2 kg ang bigat; at, ang balinghoy mula sa Brgy. Calangay na may bigat na 7.9kg.

Layunin ng Cassava Farmers’ Day na ipakita na ang cassava ay isa sa mga pangunahing agricultural products ng ating lalawigan.

Hangad ding makahanap ng tamang market at wastong presyo para sa mga nabanggit na kalakal pang-agrikultura.

Nagbahagi rin sa pagdiriwang ng mga kaalaman sa tamang pagtatalop, paggagayat at pagpapatuyo gamit ang iba’t ibang uri ng makinarya. – Mon Antonio A. Carag III, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.