CALABARZON Disaster Management Officers nagpulong sa Batangas

Mahigit 380K Batangueño Students sa mga pampublikong paaralan, balik eskwela na DepEd Batangas, tiniyak ang kahandaan para sa AY 2019 – 2020
June 4, 2019
Batangueña Palarong Pambansa Volleyball Champs, pinarangalan sa Kapitolyo
June 10, 2019

June 7, 2019

Isinagawa ang 2nd Quarter Meeting ng CALABARZON Local Disaster Risk Reduction Management Officers, sa pangunguna ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) at Office of Civil Defense (OCD) Region IV-A, noong ika-7 ng Hunyo 2019 sa Dalubhasaan Bldg., Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City.

Sa mensahe ni Mr. Joselito Castro, Batangas PDRRMO Department Head, binigyang-diin niya ang adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Gov. DoDo Mandanas, na maisakatuparan ang lahat ng mga posibleng mga hakbang upang mapaghandaan at matugunan ang anumang hamong dala ng mga sakuna.

Ipinagmalaki naman niya na ang gusali, kung saan ginanap ang Quarterly Meeting, ay tinaguriang Dalubhasaan Building, na nabuo sa pamamagitan ng suporta ni Gov. Mandanas. Ito ang magiging headquarters ng Provincial DRRMO, na magagamit din sa mga seminars, workshops at meetings, na mayroong dormitoryo, at suite rooms kagaya ng sa mga hotel.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Gng. Olivia M. Luces, Regional Director ng OCD Region IV-A at Chairperson ng Regional DRRMC IV-A, sa mga local officers na dumalo buhat sa iba’t ibang lalawigan ng CALABARZON.

Naging panauhing tapapagsalita si Engr. Rajasmin Rabada ng National Telecommunications Commission (NTC), na tinalakay ang kahalagahan ng komunikasyon sa panahon kagipitan at biglaang pangangailangan; ang legal na basehan ng Rapid Emergency Telecommunications; at, ang wastong paggamit ng radio devices sa oras ng kalamidad o aksidente, at pagkakaroon ng lisensya at wastong pagpaparehistro nito upang magkaroon ng maayos na komunikasyon. ✎ Jun –Jun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.