Batangueño Sharp Shooter, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Batangas Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office Nagbigay ng Ulat
October 15, 2018
Blood Samaritan Gold Award Iginawad ng Red Cross kay Gov. Mandanas
October 16, 2018

Octiber 16, 2018

Binigyang pagkilala noong ika-15 ng Oktubre 2018 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, si Benedict Miranda para sa kanyang pagkapanalo ng gintong medalya sa Far East Asia Handgun Championship 2018 na ginanap sa Pattaya, Thailand.

Si Miranda, tubong Brgy. Banyaga, ng Munipality of Agoncillo, ay ginawarang ng Sertipiko ng Pagkilala nina Gov. Mandanas ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Provincial Administrator Levi Dimaunahan, dahil sa ipinamalas na galing sa target shooting bilang miyembro ng Philippine Team.

Kasama ang kanyang grupo ng Topshots Gun Club, na isa sa pinakamalaking delegasyon, nakipagpagalingan sina Miranda sa international handgun championship kung saan nagling kalahok ang mga gun clubs mula Malaysia, Canada, Brazil, Australia, Thailand at Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, ipinagmamalaki ng gobernador, matapos ang awarding ceremony, na wala nang mas gagaling pa sa Batangueñong Pilipino sa larangan ng sipag sa pag-eensayo upang makamit ang inaasam na tagumpay. – JJBPascua/Batangas, Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.