Batangueña, wagi sa International Presentation of Performers (IPOP)

41st National Disability Prevention & Rehabilitation Week, ipinagdiwang sa Kapitolyo
July 26, 2019
2019 Lakbay Sining ‘Bayan Mo, Ilakbay Mo’, matagumpay
July 29, 2019

July 29, 2019

Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kahusayan ng Batangueñang si Mien Krey Anne A. Kloppers, matapos tanghaling Grand Champion sa Dance Competition, Division 3 Category ng 2019 International Presentation of Performers (IPOP) na ginanap sa Los Angeles, California sa Estados Unidos noong Hulyo 13, 2019.

Tubong Barangay Gulod Itaas, Batangas City, si Kloppers ay kasalukuyang nag-aaral sa Stonyhurst Southville International School – Batangas City Campus, at artist model sa JAMS Artist Production.

Pormal na iginawad kay Kloppers ni Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, ang Certificate of Recognition at cash incentive. Pinuri ng administrador ang batang Batangueña sa pagbabahagi at pagpapamalas ng galing at talento ng isang Pinoy sa isang pandaigdigang kompetisyon. – Shelly Umali, Photo: Eric Arellano – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.