Batangas Provincial Service Incentive para sa mga Barangay Tanod, Ipinamahagi na

BFAR IV-A: “Walang outbreak, ligtas kainin ang tilapia”
June 25, 2020
Notice of Award – Construction of Isolation Buildings
June 26, 2020

June 26, 2020

Sang-ayon sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas, naipamahagi ang mahigit sa ₱1.3 Milyon na Provincial Service Incentive para sa mga retiradong Barangay Tanod ng Lalawigan ng Batangas noong ika-22 hanggang ika-26 ng Hunyo 2020.

Ang naturang laang benepisyo o tulong, ayon kay Provincial Public Order and Safety Department (PPOSD) head, Atty. Genaro S. Cabral, ay para sa 272 na mga Barangay Tanod sa probinsya na naglingkod ng mahigit sa limang taon sa kani-kanilang mga komunidad.

Dagdag pa nito, ang mga nakatanggap ay pawang mga indibdwal na nauna nang nakakumpleto at nakapagsumite ng mga itinakdang requirements. Masusundan pa ang pamamahagi ng Provincial Service Incentive kung kaya patuloy pa rin ang kanilang tanggapan sa pakikipag-ugnayan sa mga samahan ng Barangay Tanod.

Paliwanag pa ni Atty. Cabral, ang pagkakaloob ng insentibo ay bilang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga nagsilbing katuwang ng pamahalaan sa pag-agapay sa bawat pinanunungkulang mga Batangueño at pasasalamat para sa kanilang kusang paglilingkod sa kanilang mga barangay.

Ipinaabot ang tulong pinansyal ng mga kawani ng PPOSD sa mga barangay hall at sa mismong bahay ng mga benepisyaryo. Ito ay bilang pagtiyak na masusunod ang lahat ng health and safety protocols kaugnay ng pag-iwas sa COVID-19 pandemic.

M.J.Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: PPOSD

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.