Batangas PDRRMO, Handa na sa Tag-ulan

Provincial Hospitals sa Lemery at Balayan, Pansamantalang Naka-lockdown dahil sa Nagpositibo sa COVID-19
June 17, 2020
Invitation to Bid (July 15, 2020)
June 19, 2020

June 17, 2020

Opisyal nang inanunsyo ang pagsisimula ng tag-ulan o “rainy season” sa Pilipinas.

Sa pahayag ng PAGASA, ang epekto ng Tropical Depression “Butchoy” at Southwest Monsoon o Habagat sa nakalipas na ilang mga araw ay nagdala ng sapat na dami ng tubig-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas kaya naabot na ang ‘criteria’ para sa pagdedeklara ng panahon ng tag-ulan.

Kaugnay nito, inilahad ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Chief Lito Castro ang mga hakbang at paghahandang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa panahong ito.

Ayon kay Castro, handa ang lalawigan pagdating sa mga equipment, kagaya ng mga rescue vehicles. Binanggit din niya na naka-posisyon na ang mga heavy equipment ng Provincial Engineering Office sa mga bayan na may mataas na banta ng mga sakuna, bilang paghahanda sa maagang pagtugon.

Pahayag pa ng hepe ng PDRRMO, pitong sea ambulances ang naka-deploy sa Philippine Coast Guard, at mga Bayan ng Mabini, San Nicolas, Agoncillo, Talisay, Laurel at Balete; at dalawampung response vehicles ang nakatalaga sa iba’t ibang local government units.

Kung kakailanganin namang magkaroon ng mass evacuation, inaasahan umano ang pakikipagtulungan ng Department of Education para maggamit ang mga eskuwelahan bilang evacuation centers.

May isinisagawa ring assessment ang Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources, katuwang ng Batangas PDRRMO, para sa pagpapalawig at pagpapalakas ng mga contingency plan ng lalawigan.

Regular naman umano ang pagtitipon at koordinasyon ng mga miyembro ng asosasyon ng mga lokal na DRRMOs na patuloy ang pagpapalawig ng disaster contingency plans, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga national agencies at iba pang counterparts ng mga ito.

Samantala, binigyang-diin ni Castro ang kahalagahan ng kooperasyon, pag-iingat, paghahanda, pagtutulungan sa komunidad at pagsunod sa mga patakaran nang sa gayon ay makaiwas sa sakuna na dala ng mga bagyo, pagbaha at pagguho ng lupa.

“Sabi nga ni Governor Mandanas, magiting ang mga Batangueño kaya pairalin ang pagiging magiting at be vigilant,” dagdag pa nito.

Ma.Ja.M.M. – Batangas Capitol PIO / Photo: Batangas PDRRMO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.