Batangas, Nanguna sa Compliance ng Local Public Transport Route Plan sa buong Region IV-A

PDRRMO Chief, Ipinaalala ang Kahalagahan ng Family Preparedness sa Pagpasok ng Rainy Season
June 6, 2021
Request for Quotation – RENTAL OF 57 ROOMS FOR ACCOMODATION OF COVID POSITIVE PATIENTS OF PROVINCIAL CAPITOL EMPLOYEES AND RELATIVES
June 10, 2021

June 6, 2021

“Itong Batangas ang kauna-unahang probinsya sa buong Region IV-A na naka-comply ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP) nila…ang Batangas Province ang pinakamabilis umaksyon sa kanilang LPTRP.”

Ito ang buong-kagalakang ibinahagi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region IV Director, Col. Renwick Rutaquio, sa kaniyang ipinadalang video message para sa ginanap na Joint Full Council Meeting ng Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) noong ika-27 ng Mayo 2021.

Kaugnay ito sa iginawad na Notice of Compliance (NOC) ng LTFRB-Regional Franchising and Regulatory Office para sa Lalawigan ng Batangas, na opisyal na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), noong ika-10 ng Mayo 2021.

Nakasaad sa abiso ng naturang lupon, matapos ang kanilang naging masusing ebalwasyon, na naging “consistent” ang lalawigan sa pagpapaganap at pagsunod sa mga panuntunan na sumasaklaw sa mga ipinatutupad ng pamahalaang nasyunal pagdating sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), kabilang dito ang Department of Transportation (DOTr) Department Order No. 2017-011 o ang Omnibus Franchising Guidelines at iba pang mahahalagang LTFRB Memorandum Circulars.

Ayon kay Col. Rutaquio, at base na rin sa mga hakbang na dapat sundin sa proseso ng pagpapaganap ng LPTRP, ngayong na-endorso na sa lalawigan ang NOC at naaprubahan na ng mga bumubuo ng Provincial Development Council ang LPTRP 2019-2023 ng probinsya, kinakailangan naman itong dumaan sa Sangguniang Panlalawigan para sa ratification o pagpapatibay sa pamamagitan ng pagpasa ng isang ordinansa na nag-aadopt sa binalangkas na LPTRP, malagdaan ni Governor DoDo Mandanas, at muling i-endorso sa LTFRB Regional Office IV para sa kaukulang pagsusumite sa central office nito.

Dagdag pa ng Regional Director na matapos ganap na makumpleto ang proseso, maipatutupad na ang mga ruta na nakasaad sa LPTRP.

“Itong pangyayaring ito, marami po tayong mapapatakbo na sasakyan upang sa gayon, lahat po ng mga pangangailangan ng mga kababayan natin dito sa Batangas ay matutugunan natin,” ani Col. Rutaquio.

Umaasa rin si RD Rutaquio na mapabilis ang paglabas o pagpasa ng mga kinakailangang board resolution at memorandum circulars upang agarang makabuo ng korporasyon o kooperatiba ang mga transport groups at operators sapagkat nakasaad sa PUVMP na hindi na individual franchise ang ipagkakaloob ng LTFRB kung kaya’t kinakailangang makabuo ang mga ito ng samahan o cooperative bago mabigyan ng prangkisa.

Samantala, matatandaan na taong 2018 nang simulan ang sunod-sunod o serye ng pagbabalangkas at pagpaplano ng Kapitolyo, sa pangunguna nina Governor Mandanas bilang LPTRP Team Chairperson at tanggapan ng PPDO na tumatayong secretariat, para sa mabilisang koordinasyon sa mga bayan, lungsod, at mga katuwang na organisasyon at ahensya na makakatulong sa paglikha ng Provincial Local Public Transport Route Plan.

Pinasimulan ito sa pinagtibay na Executive Order No. 2HIM1-01 o Creating the Local Public Transport Route Plan (LPTRP) Team of the Provincial Government of Batangas na hango sa Joint Memorandum Circular No. 001 Series of 2017, dated June 19, 2017, ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Transportation (DOTr).

Nakapaloob dito na kinakailangang magsagawa ng Local Public Transport Route Plan ng transport modes at makapagbigay ng mga panukala na may kinalaman sa public transport routes katuwang ang bawat local government unit (LGU).

Ang LPTRP ay ang plano na magdedetalye sa network ng ruta at kinakailangang bilang ng mga yunit sa bawat klase ng mga sasakyan kada bayan para sa paghahatid ng mga pampublikong land transport services. Ito rin ang magsisilbing batayan ng LTFRB para sa issuance ng prangkisa sa mga Public Utility Vehicles (PUVs).

Isa sa mga hangarin nito ang magkaroon ng fixed salary at oras ng trabaho ang mga drivers. Dito ay masusi ring pinag-aaralan ng mga LGUs, katuwang ang Department of Transportation, ang pagsasaayos ng mga itatalagang tamang daan, terminals, at drop-off points na tatahakin ng mga PUVs.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO
with reports and photos from PPDO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.