Batangas Capitol, DBP lumagda sa ₱4 Bilyon loan agreement

INC Inter-active Media Roadshow, isinagawa sa Lungsod ng Lipa
October 13, 2019
Batangas Elderly Week Celebrations, sina Lolo at Lola ang Bida
October 15, 2019

October 14, 2019

Patungo sa Rich Batangas. Lumagda sa isang loan agreement si Gov. DoDo Mandanas, bilang kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, at ang Development Bank of the Philippines (DBP) noong ika-14 ng Oktubre 2019 sa DBP Head Office, Makati City. Gagamitin ang pondo para sa Capability Building Program ng pamahalaang panlalawigan upang mas maisulong ang economic development ng Lalawigan ng Batangas at social services projects para sa mga Batangueño. Kasamang pumirma sa kasunduan sina sina DBP President Emmanuel Herbosa (kaliwa), DBP Chairperson Alberto Romulo (kanan) at Vice Gov. Mark Leviste. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Lumagda sa isang loan agreement ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at ang Development Bank of the Philippines (DBP) noong ika-14 ng Oktubre 2019 sa DBP Head Office, Makati City.

Nakalaan ang ₱4 Bilyon na loan para sa Capability Building undertakings ng pamahalaang panlalawigan upang mas maisulong ang economic development ng Lalawigan ng Batangas at social services projects para sa mga Batangueño.

Kabilang sa mga proyektong nakakasang pondohan sa pamamagitan ng nasabing DBP loan ang konstruksyon ng mga gusali at pasilidad para sa kalusugan, water treatment, agricultural storage at iba pang may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan, at mga kalsada at tulay; pagtatayo ng mga laboratory at paglalagay ng mga angkop na mga kagamitan para sa medical, health at veterinary concerns; pagbili ng mga IT equipment para sa mga tanggapan at paaralan; at, pagbili ng mga ambulansya, engineering heavy equipment, agricultural equipment at iba pang mga sasakyang kakailanganin sa mga panahon ng emergency at sakuna.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni DBP Chairperson Alberto Romulo, na marapat lamang na pasalamatan si Batangas Gov. DoDo Mandanas dahil sa kanyang “persistence and perseverance for the landmark victory in the Supreme Court for the betterment of all the local government units in the country.”

Binigyang-diin ng dating senador, na ipinamalas ni Gov. Mandanas ang kanyang tapang at paninindigan sa paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para sa tamang kabahagi ng mga LGUs sa buwis. Sabi ni Romulo, “Everybody endorsed it, but not everybody had the guts to push for it.”

Ang kasalukuyang partnership ng lalawigan at DBP ay pagsasakatuparan, aniya, ng mas maganda at makabuluhang public service para sa mga Batangueño.

Bilang tugon, sinabi ni Gov. Mandanas na ang pinakamalaking loan na inaprubahan ng DBP para sa isang LGU ay magiging pagkakataon para sa pamahalaang panlalawigan na makapagbigay ng mas maraming tulong at serbisyo sa mga kababayan at mas maisulong ang kaunlaran ng lalawigan.

“We will use the capability building fund efficiently, expediently and economically,” sabi ng gobernador.

Naging saksi sa agreement signing sina DBP President Emmanuel Herbosa; Executive Vice President Jose Gabino Dimayuga, Head ng DBP Development Lending Sector; Senior Vice President Abelardo Monarquia, Head ng DBP South Luzon Lending Group; at Vice Gov. Mark Leviste.

Nakiisa rin sa aktibidad ang pamununuan ng Batangas Capitol, sa pangunguna nina Provincial Administrator Levi Dimaunahan at Chief of Staff Abel Bejasa.

Vince Altar, Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.