Ayuda para sa Community Development Projects ng Ilang Barangay, Ipinamahagi sa Kapitolyo

Batangueño Centenarians Ginawaran ng Insentibo ng Kapitolyo
May 15, 2021
Solid Waste Management Monitoring sa Lalawigan, Patuloy na Isinasagawa
May 16, 2021

May 15, 2021

Isang grupo ng mga barangay officials mula sa ilang bayan ng Lalawigan ng Batangas ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD), para sa kanilang mga Community Development Projects noong ika-12 ng Mayo 2021.

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa PACD office sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas, katuwang ang tanggapan ni Association of Barangay Captains – Batangas Province President, Bokal Wilfredo Maliksi, para sa iba’t-ibang proyektong pambarangay.

Ang ipinagkaloob na ayuda ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ay nakatakdang gamitin para sa laptop at printer ng Brgy. Ludlod at Cubamba ng Taal; CCTV Cameras ng Brgy. Sta. Maria, Talisay; laptop at projector ng Brgy. Poblacion 4, Laurel; Computer Set ng Brgy. Looc, Balete; Grasscutter ng Brgy. San Roque, Lungsod ng Sto. Tomas; at office tables and chairs ng Brgy. Bayawang, Rosario, na may kabuuang halagang limang daang libong piso.

PACD – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.