“All Hands on Deck” ang Uniformed Services para sa TAAL Volcano Relief and Rescue Operations

National Disaster Agencies suportado ang epektibong relief and disaster operations sa Batangas
January 19, 2020
Paglilikas sa mga hayop sa palibot ng Bulkang Taal tinututukan
January 19, 2020

January 19, 2020

Patuloy na sumasailalim sa Red Alert Status ang mga ahensyang kasapi ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council dahil sa patuloy na active volcanic activity ng Taal Lake at sa 14-Km Radius Danger Zone, simula noong ika-12 ng Enero 2020.

Aktibong nakikipagtulungan ang Batangas Provincial Government, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, upang masiguro ang maayos na disaster relief and search and rescue operations sa mga bayang direktang apektado ng pagbuga ng makapal na abo ng bulkang Taal.

Unang tumugon para maging katuwang sa operasyon ang mga kasapi ng uniformed personnel ng lalawigan, na kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP ) at mga katuwang na Local Government Disaster Risk Reduction and Management Offices at mga volunteer organizations.

May kabuuang 187 personnel ang ipinakalat ng AFP sa mga apektadong lugar, bukod sa paglalan nito ng kanilang 9 na KM- 450 and 250 Heavy load trucks, 8 8 tonner and 5 tonner M-35 trucks trucks, ilan pang mga service vehicles at ang pagtatayo ng radio communications facilities.

Sa hanay ng Philippine Coast Guard at PNP Maritime, agad itong nagpadala ng augmentation teams sa mga apektadong lugar, partikular sa Talisay at San Nicolas, na binubuo ng medical teams and disaster response groups, kabilang ang mga seaborne floating assets at mobile and heavy lift vehicles ng mga ito.

Nagsagawa din ang mga ito ng seaborne patrols, clearing operations and forced evacuation ng mga residente at mga alagang hayop sa Brgy. San Isidro at mga karatig na Barangay sa Talisay, kung saan 38 kabayo, 7 baka, at walong sibilyan ang nailikas.

Magkakatuwang naman ipinatutupad ng PNP at AFP ang forced evacuation at lockdown sa mga bayan ng Laurel, Talisay, San Nicolas, Lemery, Taal at Agoncillo, ganun din ang pagtulong sa road clearing operations ng Department of Public Works and Highways.

Naging katuwang din ng pamahalaang panlalawigan at mga social welfare organizations ang mga miyembro ng armed services sa transfer of relief goods, repacking and orderly distribution of relief goods sa mga evacuees, pagbibigay ng seguridad at pananatili ng kaayusan sa evacuation centers sa Provincial Sports Complex at Batangas DREAM Zone sa Lungsod ng Batangas at 373 evacuation centers sa buong lalawigan, kung saan may mahigit 120,000 apektadong indibidwal.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.