500 Manlalarong Batangueño, Tumanggap ng Allowance

Demand Reduction sa Droga, Isa sa Solusyong Nakikita ng Provincial Anti-Drug Abuse Council
November 21, 2018
4th Quater Meeting ng mga Konseho ng Kababaihan at Kabataan, Isinagawa
November 26, 2018

November 24, 2018

Sa patuloy na pagsuporta ni Governor Hermilando I. Mandanas sa mga atletang Batangueño, ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang financial assistance para sa mga kabataang kalahok sa 2018 Inter-Division Sports Competition na ginanap sa Provincial Sports Complex, Batangas City mula ika- 21 hanggang ika-23 ng Nobyembre 2018.

500 atleta ang nakatanggap ng “Meal Allowance” na may halagang P1,050 bawat isa para sa tatlong araw nilang paglalaro. Iba’t-ibang laro ang nilahukan ng mga atleta mula elementarya at sekundarya ng bawat bayan sa Probinsya ng Batangas. Ilan sa mga ito ay ang boxing, basketball, gymnastics, Dance Sports Latin, Dance Sports Standard, chess at football.

Ayon sa panayam kay Ginoong Erwin Apilo, Basketball Coach ng Our Lady of Caysasay Academy (OLCA) ng bayan ng Taal, ilan sa mga kagandahan na ibinibigay ng nasabing kompetisyon ay ang pagkakaroon ng kaniyang manlalaro ng development sa character, skills, at attitude. Aniya, isa ring malaking oportunidad para sa kanyang mga manlalaro ang makapunta sa ibang eskuwelahan at makalahok sa mga kompetisyon. Nag-iwan din siya ng payo sa mga atleta na “displina at ensayo” ang kailangan sa bawat laro na sasalihan nila. ✎ Junjun Hara De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.