439th Foundation Day ng Batangas Province, Ipinagdiwang sa Paraang “New Normal”

Notice of Award – Purchase of 17,500 sets of PPE (face Mask – Set of 2, Face Shield and Alcohol) and 14,285 pieces of Customized Washable Face Mask for distribution to affected communities within the Province of Batangas
December 11, 2020
Mga Dangal ng Batangan, Pinarangalan sa 439th Foundation Day ng Lalawigan
December 11, 2020

December 11, 2020

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang ika-439 na taon ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Batangas noong ika-8 ng Disyembre 2020. Ang “hybrid” na mga pagtitipon ay pinasimulan sa isang misa sa St. Mary Euphrasia Parish Church (kanan-ibaba), sinundan ng pagbibigay pugay sa bandila ng Pilipinas (itaas), at Dangal ng Batangan awards sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office na dinaluhan ni Vice Gov. Mark Leviste (kaliwa-ibaba). Photos: PTCAO

Idinaos sa simple subalit makabuluhang paraan ang Founding Anniversary ng Lalawigan ng Batangas, na nagtatampok sa pagpapahalaga ng mga Batangueño sa pananampalatayang Kristiyano at nagdiriwang ng mayamang tradisyon at makulay na kultura ng tinaguriang Duyan ng mga Magiting.

Kagaya ng naging “new normal” ngayong panahon ng pandemya, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagdiriwang ng ika-439 na taon ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Batangas noong ika-8 ng Disyembre 2020, sa pamamagitan ng “hybrid” na mga pagtitipon.

Dala ng pangangailangang mapanatili ang physical distancing, ang mga opisyal, kawani at panauhin ay dumalo sa mga aktibidad sa pamamagitan ng online platforms, kabilang si Gov. DoDo Mandanas, habang ang ilan ay nakiisa sa mga pinagdausang lugar.

Sinimulan ang mga programa ng isang misa sa St. Mary Euphrasia Parish Church, Kumintang Ilaya, Lungsod ng Batangas, na dinaluhan nina Chief of Staff at Provincial Information Officer Abel Bejasa, Provincial Administrator Levi Dimaunahan at ilang mga Board Members. Binigyang-diin dito, na selebrasyon din ng kapistahan ng Immaculada Concepcion ng Mahal na Birheng Maria, ang pasasalamat sa lahat ng biyayang natanggap ng mga Batangueño, sa kabila ng pagputok ng Bulkang Taal noong Enero, ang pagkalat ng COVID-19 at pagdaan ng magkakasunod na mga bagyo.

Sinundan ito ng pagbibigay-pugay sa bandila ng Pilipinas sa Marble Terrace ng Kapitolyo, na pinangunahan nina Vice Gov. Mark Leviste, 5th District Senior Board Member Claudette Ambida-Alday, Batangas Police Provincial Director, PCol. Rex Arvin Malimban at ilang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gov. Mandanas na, sa pagdiriwang ng ika-439 na taon ng pagkakatatag ng lalawigan at sa papasok na taong 2021, makakaasa ang mga Batangueño na mas lalo pang magiging matapat at matulungin, magbibigay ng magandang halimbawa para tularan ng lahat at laging magiging magiting ang mga serbisyo publiko sa pamahalaang panlalawigan sa ikagagaling ng bawat isa.

Naging tampok na gawain naman ang Dangal ng Batangan Awards 2020, sa pangunguna ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), na kinilala ang mga Batangueñong nagpamalas ng galing at talino sa iba’t ibang mga larangan. Ang paggawad ng mga parangal ay isinagawa sa tanggapan ng PTCAO sa loob ng Kapitolyo, kung saan may mga pisikal na dumalo at may nakiisa rin sa pamamagitan ng livestreaming at online video conferencing.

Pormal ding inilunsad ng PTCAO, na pinamumunuan ni Atty. Sylvia Marasigan, ang kanilang bagong website at RichBatangas Travel Guide App. Ipinakita rin ng nasabing tanggapan ang isang virtual tour ng Museo ng Batangas na matatagpuan sa People’s Mansion sa loob ng Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.