2017 Tax Campaign Kick-off ng CaBaMiRo, Inilunsad sa Sto. Tomas, Batangas

Ala Eh! Governor Strengthens Ties With The PNP
March 2, 2017
Provincial ENRO, EMB-IVA Nanguna sa Solid Waste Management Board Meeting
March 2, 2017

Personal na sumaksi si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa pormal na paglulunsad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Region (RR) No. 9A, CaBaMiRo o ang mga Lalawigan ng Cavite, Batangas, Mindoro at Romblon ng kanilang 2017 Tax Campaign Kick-off sa Liana’s Junction Plaza sa Sto. Tomas, Batangas noong Pebrero 24, 2017. Panauhing pandangal si BIR Commissioner Caesar R. Dulay (4th from left) sa tax campaign na pinangunahan ni Regional Director Atty. Romulo Aguila, Jr. (3rd from left) at ng kanyang mga kasamang opisyal ng nasabing revenue region. Vince Altar / Photo: Jhay Jhay Pascua - PIO Capitol

March 2, 2017

Pormal na inilunsad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Region (RR) No. 9A, CaBaMiRo o ang mga Lalawigan ng Cavite, Batangas, Mindoro and Romblon noong Pebrero 24, 2017 ang kanilang 2017 Tax Campaign Kick-off sa Liana’s Junction Plaza in Sto. Tomas, Batangas.

Mga panauhing pandangal sina BIR Commissioner Caesar R. Dulay at Batangas Governor Dodo Mandanas, na mainit na tinanggap ni Regional Director Atty. Romulo Aguila, Jr. Ipinakilala din ni RD Aguila ang mga opisyales na mangunguna sa RR 9A.

Personal na sumaksi si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa pormal na paglulunsad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Region (RR) No. 9A, CaBaMiRo o ang mga Lalawigan ng Cavite, Batangas, Mindoro at Romblon ng kanilang 2017 Tax Campaign Kick-off sa Liana’s Junction Plaza sa Sto. Tomas, Batangas noong Pebrero 24, 2017. Panauhing pandangal si BIR Commissioner Caesar R. Dulay (4th from left) sa tax campaign na pinangunahan ni Regional Director Atty. Romulo Aguila, Jr. (3rd from left) at ng kanyang mga kasamang opisyal ng nasabing revenue region. Vince Altar / Photo: Jhay Jhay Pascua – PIO Capitol

Sa kanyang mensahe, binigiyang diin ni Gov. Mandanas na “sama-sama tayong tumulong sa hinahangad ng BIR na pagbabago.” Dagdag pa niya, “Kailangan ng bansa ng pagbabago at pagtataas ng antas para makapangolekta ng tamang buwis.”

Sang-ayon din ang Batangas governor na maitaas ang suweldo ng mga kawani ng BIR upang mas maging tapat sila sa kanilang tungkulin at tuluyan ng maiwasan ang corruption.”
Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon sina Assistant Regional Director Ma. Gracia B. Javier at Sto. Tomas Vice Mayor Armenio Silva. Vince Altar / PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.