World Blood Donor Day, Ipinagdiwang sa Lungsod ng Sto. Tomas

Mga Batangueño, Ipinagdiwang ang ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan sa Kapitolyo
June 13, 2023
Invitation to Submit Quotation – June 19, 2023
June 16, 2023

June 15, 2023

Bilang pakikiisa ng Lalawigan ng Batangas sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day kahapon, ika-14 ng Hunyo 2023, isang blood-letting activity ang ginanap sa City Hall Annex Building ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas.

May 264 units ng dugo ang nakolekta sa pagtatapos ng nasabing aktibidad, na pinangunahan ng buong pamunuan ng Batangas Provincial Blood Council.

Kabilang sa mga nakiisa sa programa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office, Department of Health – Region IV-A Center for Health Development, Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas, iba’t ibang Non-Government Organizations, mga walk-in donors at iba pang mga katuwang na pampubliko at pribadong organisasyon.

Nakibahagi rin sa pagdiriwang si Batangas Provincial Blood Council Ambassador, Bb. Paola Allison Araño mula sa Bayan ng Padre Garcia, na siyang katuwang ng Batangas Provincial Blood Council sa pagsusulong ng mga adbokasiya nito.

“A bag of our blood can save up to four lives, allowing us to be a HERO, not only to the life that we’ve extended, but also to their friends and families,” pahayag ni Bb. Araño sa kanyang video invitation.

Malaki naman ang pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa lahat ng mga naging bahagi ng blood donation activity lalo’t higit sa mga blood donors, na patunay aniya ng sama-samang pagkilos at pagmamalasakit para makatulong sa mga kababayan na nangangailangan ng dugo.

Ang World Blood Donor Day ngayong taon ay may temang “Give Blood, Give Plasma, Share Life, Share Often.”

Janssen Olimba/Millicent Ramos – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.