Seguridad ng Pagkain sa Rehiyon at mga Hamon sa Sektor ng Agrikultura, Tinalakay sa DAGYAW sa CALABARZON 2023

Invitation to Bid – Infra (November 28, 2023)
November 7, 2023
Memorandum of Agreement sa Pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Pamahalaang Panlungsod ng Lipa, Kasado Na
November 11, 2023

November 9, 2023

Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG IV-A) ang ginanap na Dagyaw 2023 Open Government Regional Town Hall Meeting Season 2, na may temang “Nourishing the Nation, from Farm to Table: Bridging Farmers and Consumers,” sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-8 ng Nobyembre 2023.

Layunin ng Dagyaw Open Government Town Hall Meeting, na isinagawa katuwang ang Department of Budget and Management (DBM), Philippine Information Agency (PIA), Department of Trade and Industry (DTI IV-A), Department of Agriculture (DA IV-A) at Partnership of Philippine Support Service Agencies (PHILSSA), na talakayin, suriin at ipaalam sa mga mamamayan ang mga plano ng pamahalaan sa pagtugon sa mga problema sa seguridad sa pagkain at produksyon ng agrikultura sa bansa.

Kabilang sa mga paksang pinag-usapan ang mga logistics policies na kailangang paigtingin at panatilihin upang mas mapalakas ang sektor ng agrikultura, mga gampanin o tungkulin ng mga tagapamagitan sa Agriculture Value Chain, at paano tiyakin na balanse ang magiging kita ng mga tagapamagitan at mga magsasaka.

Kasabay nito, tinipon din ang iba’t ibang frontline service delivery agencies, tulad ng Pag-Ibig, SSS, PSA, PhilHealth, at iba pa, sa isang one-stop shop na nag-alok ng kanilang mga serbisyo.

Nakiisa sa ginanap na meeting si Provincial Administrator Wilfredo Racelis, na naging kinatawan ni Governor Hermilando Mandanas.

Janssen Olimba Batangas Capitol PIO / Photos by Macven Ocampo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.