Memorandum of Agreement sa Pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Pamahalaang Panlungsod ng Lipa, Kasado Na

Seguridad ng Pagkain sa Rehiyon at mga Hamon sa Sektor ng Agrikultura, Tinalakay sa DAGYAW sa CALABARZON 2023
November 9, 2023
SUPPLEMENTAL/BID BULLETIN NO. 01 for Projects L-008, L-009, L-015, L-016 and L-018
November 14, 2023

November 11, 2023

Opisyal nang nilagdaan nina Batangas Governor Hermilando Mandanas at Lipa City Mayor Eric Africa ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa paglipat ng pamamahala at operasyon ng Lipa City District Hospital, mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, papunta sa Pamahalaang Panlungsod ng Lipa ngayong araw, ika-10 ng Nobyembre 2023, sa Lipa City District Hospital sa Lungsod ng Lipa.

Ayon sa Gobernador, ang kasunduang ito ay ang kauna-unahan sa kasaysayan hindi lamang sa Lalawigan ng Batangas, kundi sa buong Pilipinas.

Sa ilalim ng Principle of Subsidiarity, nabibigyang-diin ang devolution of basic services at Local Autonomy ng Local Government Units, tulad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kabilang dito ang mag-devolve ng mga responsibilidad para sa pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyo at pasilidad na kinabibilangan ng mga serbisyong pangkalusugan ng Lipa City District Hospital (LCDH), na sisimulan nang pamunuan ng Pamahalaang Panlungsod ng Lipa pagsapit ng unang araw ng taong 2024.

Ang kasunduan ng pagsasalin ng pamamahala at operasyon ng LCDH mula sa pamahaalang panlalawigan ay bilang pagtugon at pagsuporta ng Batangas Governor sa debolusyon ng mga serbisyong pangkalusugan, gayun din sa inisyatibo at liham ng City Mayor ng Lipa na pamunuan at tanggapin ang responsibilidad sa paghawak at pamamahala sa naturang ospital.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Mayor Africa kay Governor Mandanas at sa buong pamunuan ng Kapitolyo sa napakalaki at pambihirang pagkakataon na mas mapaglingkuran ang mga kababayan, lalo’t higit sa usaping pangkalusugan, kasama ang tiwala at suportang inilaan nito sa alkalde at sa kabuuan ng pamahalaang panlungsod, na aniya ay bahagi ng kaniyang malawakang programang pangkalusugan para sa Lungsod ng Lipa.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang paglagda sina 6th District Board Member (BM) Lydio Lopez, 6th District BM Aries Emmanuel Mendoza, 3rd District BM Fred Corona, 4th District BM Jess De Veyra, 2nd District BM Arlene Magboo, PCL President BM Melvin Vidal, Lipa City Vice Mayor Camille Lopez, Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Chief of Staff Mrs. Maria Isabel Bejasa, Provincial Health Officer Dr. Rosvilinda Ozaeta, mga konsehal ng Lungsod ng Lipa, at mga miyembro ng Provincial Local Health Board. Naging saksi rin sa pagtitipon ang ilang mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan, pamahalaang panlungsod at Lipa City District Hospital.

Ornald Tabares, Jr/Photos:Karl Matthew Ambida. Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.