Real Propery Tax Amnesty Ordinance Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan

Public Hearing Tungkol sa Real Property Tax Amnesty / Relief sa Lalawigan Ginanap sa Batangas Capitol
November 10, 2022
2022 Drug Abuse Prevention & Control Week, Ipinagdiwang sa Batangas
November 15, 2022

November 14, 2022

Ipinasa at inaprubahan sa ikatlong pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang ordinansa patungkol sa pagbibigay ng amnestiya sa mga hindi nabayarang mga real property taxes sa Lalawigan ng Batangas sa ika-19 nitong regular session ngayong ika-14 ng Nobyembre 2022 sa Salvador H. Laurel Session Hall, Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City.

Matatandaang ginanap ang public hearing noong isang lingo sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, sa pangunguna nina 4th District Board Member (BM) JP Gozos, Chairperson ng Committee on Laws and Ordinances at Board Member Melvin Vidal, Philippine Councilors’ League (PCL) Batangas President at Chairperson ng Committee on Ways and Means, upang mabigyang solusyon at tulong ang mga kababayang Batangueño sa mga kinakaharap na mga suliranin.

Nakipagtalakayan din sa naturang paksa sina 6th District BM Lydio Lopez at Bibong Mendoza, at 2nd District BM Arlene Magboo. Binigyang-linaw naman nina BM Gozos at BM Vidal na ang nasabing ordinansang ay sunod na ilalathala at isasapubliko, matapos itong lagdaan ni Gov. DoDo Mandanas. Ang lokal na batas ay ipatutupad sa lahat ng mga munisipyo ng lalawigan, kabilang pa ang mga Lungsod ng Calaca at Sto. Tomas.

Sa nasabing session, na pinamunuan ni acting Vice Governor at 5th District Senior Board Member Claudette Ambida, bumisita at nagbigay kortesiya din ang ilan sa mga kalahok sa Mr. & Ms Batangas 2023 na gaganapin sa December 10, 2022.

Babylyn Coz-Paña

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.