2022 Drug Abuse Prevention & Control Week, Ipinagdiwang sa Batangas

Real Propery Tax Amnesty Ordinance Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan
November 14, 2022
Notice of Award – Purchase of Medical Supplies (IV Catheter, Abbocath, G18, IV Catheter, Abbocath, G22, etc.) to augment hospital’s shortages for COVID preparedness measures
November 18, 2022

November 15, 2022

Ginanap ang culminating activity ng Drug Abuse Prevention and Control Week, na may temang, “Addressing Drug Challenges in Health and Humanitarian Crises,” sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City nitong nakaraang Lunes, ika-14 ng Nobyembre 2022.

Pinangunahan ang pagtitipon ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD) at aktibong sinaksihan ni Gov. Dodo Mandanas.

26 na mga City/Municipal Anti-Drug Abuse Council ang tumanggap ng financial assistance na makatutulong para mas mapatibay at maging epektibo ang mga programang kanilang inilulunsad laban sa iligal na droga.

Samantala, pinagkalooban ng livelihood assistance, sa pamamagitan ng Provincial Cooperative, Livelihood, and Enterprise Development Office (PCLEDO), ang 30 na mga drug surrenderees na nakatapos ng community-based drug rehabilitation program.

Sa panayam ng B’yaheng Kapitolyo nitong Martes, ika-15 ng Nobyembre 2022, ibinahagi ni Diosdado Macalintal, PACD Assistant Department Head, katuwang sina Ma. Theresa Gernale, Cooperative Development Officer IV ng PCLEDO; Evangeline Bantigue, Agricultural Center Chief I ng Provincial Veterinary Office; at Dr. Rodrigo Bautista, Provincial Agriculturist, ang naging partisipasyon ng kanilang mga tanggapan sa rehabilitation after-care program. Nilalayon ng programang ito na muling tanggapin sa pamayanan ang mga kababayan na minsan nang nalihis ng landas.

Kaugnay pa nito, binigyang-pagkilala rin sa isinagawang aktibidad ang mga local government units na mahusay na nakapagpatupad ng Yakap-Bayan Program na isa sa mga proyekto ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Sa mensahe ni Gov. Mandanas, mariin niyang ipinaalala na ang disiplina ay malaking bahagi sa pag-unlad ng isang bayan at tayong lahat ay dapat maging magandang halimbawa sa bawat isa.

Kasabay nito, ipinagpatuloy ang pamamahagi ng material assistance sa mga barangay kung saan nasa 34 na computer sets at 740 monobloc chairs ang muling naipagkaloob sa mga kapitan.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photo by Junjun Hara De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.