Proyektong “ALA EEE (Educate, Engage, Empower) Zero Waste Tiangge at Kapehan” sa Batangas, ipatutupad

Invitation to Bid – Goods (May 29, 2024)
May 10, 2024
KADIWA ng Pangulo sa Community Market ng Kapitolyo, isinagawa
May 24, 2024

May 15, 2024

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), ang paunang gawain ukol sa implementasyon ng proyektong “ALA EEE (Educate, Engage, Empower) Zero Waste Tiangge at Kapehan” sa mga bayan ng Balayan at Lemery noong Mayo 7 at May 14, 2024.

Ang proyektong ito ay kaugnay ng pagsasakatuparan sa “Innovation Project Concept” ni Dr. Marivic P. Esmas, Assistant Department Head ng PGENRO, para sa Development Academy of the Philippines – Local Government Executive and Managers Class (DAP-LGEMC).

Layunin ng ALA EEE Project na mabawasan ang “plastic waste pollution” na nakakaabot sa karagatan sa pamamagitan ng pagsusulong ng zero waste management.

Ito ay isang “business model” na nagbubukas sa mga sambahayang may mababang income na makabili ng kanilang pangangailangan sa “microrefilling station,” kung saan ang mga mamimili ay gagamit ng “reusable container” at irerefill. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang pagkakaroon at paggamit ng mga “plastic sachet” na napunta at napapadpad sa dagat.

Isa rin sa layunin ng programang ito ang pakikipagkaisa ng mga may tungkulin sa barangay upang mahikayat ang komunidad na maglagak ng mga recyclable containers na magagamit na refillable/reusable container. Isang stratehiya ito para tangkilikin at suportahan ng komunidad ang ganitong programa sapagkat ang pagdami ng basura ay nakakaapekto sa kalikasan at kabuhayan.

Nasa limampung katao, mula sa Batangas State University Social Innovation and Research Center, Balayan at Lemery MENRO, mga benepisyaryo ng “micro refilling station,” barangay functionaries at iba pang miyembro ng komunidad, ang dumalo sa focus group discussion upang maipaliwanag ang kahalagahan ng proyekto, at maihanda ang komunidad para sa pagtanggap, pagpapahusay at pagsasakatuparan nito.

Lubos naman ang pasasalamat ni Dr. Esmas sa paglalaan ng pondo para sa proyektong ALA EEE ng pamahalaang panlalawigan, sa suporta at paniniwala sa adhikain nito ng mga opisyal at kawani ng Kapitolyo, sa pangunguna nina Gobernador Hermilando I. Mandanas, PGENRO Department Head Luis Awitan, at PDRRMO chief, Dr. Amor Calayan, at pagtanggap nina Balayan Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda II at Lemery Mayor Ian Kenneth M. Alilio.

Rochelle Amboya – PGENRO / Photos: PGENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.