KADIWA ng Pangulo sa Community Market ng Kapitolyo, isinagawa

Proyektong “ALA EEE (Educate, Engage, Empower) Zero Waste Tiangge at Kapehan” sa Batangas, ipatutupad
May 15, 2024
Resolution No. 727, Provincial Ordinance No. 006 Year 2024 – ADOPTING THE 2023 REVISED INTERNAL GUIDELINES ON AGENCY PROGRAM ON AWARDS AND INCENTIVES FOR SERVICE EXCELLENCE OF THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF BATANGAS
May 27, 2024

May 24, 2024

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa isinagawang Batangas Provincial Roadshow ng CALABARZON Regional Development Plan 2023-2028, sa pangunguna ng National Economic and Development Authority (NEDA) IV-A, isinagawa ang Community Food Market ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) kahapon, ika-23 ng Mayo 2024 sa Laurel Park, Capitol Site, Batangas City.

Sa ribbon-cutting ceremony, ipinakita ng Kapitolyo ang buong suporta sa “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani” (KADIWA) ng Pangulo 2024, isa sa mga proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos, na naglalayong mailapit sa taumbayan ang abot-kaya, mura, ligtas at masusustansyang pagkain at mga bilihin mula sa mga lokal na agricultural producers.

Nakilahok sa Community Food Market ang ilang mga samahan ng mga magsasaka at mangingisdang Batangueño, cooperatives, at Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa lalawigan.

Naging paninda sa community food market ang iba’t ibang mga agricultural produce, tulad ng bigas, karne, prutas, isda at tinapay; mga ornamental plants; at mga ready-to-eat food ng mga micro enterprises, kabilang ang Rural Improvement Club.

Ang seremonya, sa pangangasiwa ng Provincial Planning and Development Office, ay pinangunahan nina Department of Agriculture IV-A Agribusiness and Marketing Assistance Division Chief Edith M. Salvosa at NEDA 4A Economic Development Specialist Chief Lovely S. Mores. Nagbigay din ng kanilang mungkahi sina Mr. Wilfredo D. Racelis, Provincial Administrator, at Dr. Rodrigo Bautista Jr., Batangas Provincial Agriculturist.

Upang magbigay inspirasyon, nagbigay rin ng mga mensahe at kuwento ang ilang mga magtitinda at magsasaka kung paanong nakatulong ang KADIWA sa kanilang pamumuhay simula pa noong panahon ng pandemya.

Naging katuwang sa aktibidad ang iba’t ibang CALABARZON Regional Offices na binubuo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A at Batangas, Department of Agriculture (DA) IV-A, Department of Social Welfare and Development (DSWD) IV-A, Department of Trade and Industry (DTI) IV-A and Department of Labor and Employment (DOLE) – IV-A.

Ornald Tabares, Jr. – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.