February 19, 2025
Ginanap ang Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. (PWCCBI) special meeting, sa pangunguna ni PWCCBI President at Agoncillo Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ngayong araw, ika-19 ng Pebrero 2025, sa PSWDO Building, Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.
Kasama ang ibang Board Members ng organisasyon at Provincial Social Welfare and Development Office, sa pamumuno ni Ms. Ethel Luistro, pinag-usapan sa pagpupulong ang magiging programa sa darating na Women’s Month celebration sa buwan ng Marso at ang deliberasyon sa mga gagawarang Notable Batangueña sa gaganaping pagdiriwang.
Layunin ng PWCCBI na mapalaganap ang inspirasyon at pangkalahatang pagkakaisa sa mga kababaihan sa Lalawigan ng Batangas at maisulong sa mga grupo ng kababaihan na magbigay ng suporta sa bawat isa.