February 5, 2025
Sinimulan nang banghayin ng Provincial Committee on Gender and Development -Technical Working Group (PCGAD-TWG)) ang isang iminungkahing ordinansa para sa pagpapatayo ng “Universal-Designed and Gender-Neutral Comfort Rooms” sa mga lugar na pagmamay-ari ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.
Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 9710 o ang Magna Carta of Women na naglalayong matiyak ang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan, at nagbibigay ng kapaligirang walang diskriminasyon at karahasan na nakabatay sa kasarian.
Hangad ng ordinansang binabalangkas na mabigyan ng sariling palikuran maging ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Naganap ang pagtitipon ngayong araw, ika-5 ng Pebrero 2025, sa Gender and Development Conference Room, PSWD Bldg., Capitol Site, Batangas City, sa pangunguna ni Provincial Social Welfare and Development Office Department Head Etheldrida Luistro, kasama ang mga myembero ng PCGAD-TWG.
– Mon Carag BPIO Capitol