Programang KALUSAGAN mas Palalakasin pa sa Batangas sa 2022

Invitation to Submit Quotation
December 3, 2021
BAYANIHAN GRANT TO PROVINCES – Report on Fund Utilization of Program / Activity Implementation for the Months of August, September, October 2021
December 6, 2021

December 5, 2021

Mas lalo pang pag-iibayuhin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagsusulong at pagpapalakas ng health programs para sa lahat ng mga Batangueño sa pagsisimula ng taong 2022.

Ito ang ipinahayag ni Gov. DoDo Mandanas sa isinagawang joint meeting ng Batangas Inter-Agency Task Force against COVID-19 at Batangas Provincial Health Board.

Bukod sa mga Batangueño, inaasahan din aniyang makinabang sa mas pinalakas na health incentives ang lahat ng mga volunteer workers at frontliners na patuloy na nagsisilbi sa publiko ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa gobernador, bukod sa pagtanggap ng ayuda, ipagkakaloob din sa mga ito ang health insurance program, na inihahanda ng Provincial Social Welfare and Development Office, katuwang ang Provincial Health Office, para sa libreng pagpapagamot kung saan sasaguting ng pamahalaang panlalawigan ang mga gastusing medikal na hindi nasakop ng PhilHealth.

Simula ng Enero 2022, sisimulan ng Kapitolyo ang pagbibigay ng Batangas Kalusugan Card, na magsisilbing Health benefit card sa lahat ng mga eligible recipients. Ang naturang proyekti ay isasakatuparan sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at pamunuan ng Anak Kalusugan Party List.

Sa paglulunsad nito, isasagawa ang pagkalap ng digital information para sa data-based health information system, na nakasaad sa Universal Health Care (UHC) Law, para sa lahat ng mga recipients na target na makasama ang lahat ng mga miyembro ng mga pamilyang Batangueño.

Sa ilalim ng Health Integration Management na itinakda ng UHC, binibigyang pahinitulot ang mga lalawigan at highly-urbanized cities and municipalities na magsagawa ng kanilang programang pangkalusugan na mabilis, epektibo at kayang isakatuparan para sa kanilang mga mamamayan.

Sinabi rin ni Gov. Mandanas na hindi lamang saklaw ng health project ang mga pampublikong pagamutan sa pagbibigay ng mga benepisyong pangkalusugan, kung hindi maging ang mga prosesong medikal na nagagawa lamang sa mga pribadong pagamutan sa lalawigan.

Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol-PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.