Post-harvest Handling Technology, Itinuro ng OPAg, UP-LB sa mga Batangueño Mango Growers

DOE, Batangas Capitol Conduct Workshop, Consultation on Energy Conservation, Local Energy Plan of Batangas Province
July 4, 2023
Notice of Vacant Positions
July 6, 2023

July 5, 2023

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), ang isang pagsasanay patungkol sa Post-Harvest Handling Technology para sa mga inaaning mangga ngayong araw, July 5, 2023, sa tanggapan ng OPAg Compound sa Bolbok, Lungsod ng Batangas.

Ayon kay Senior Agriculturist Melinda T. Mendoza, layunin nitong makapagbahagi ng mga karagdagang kaalaman sa wasto at makabagong pamamaraan, hindi lang sa harvesting, kung hindi maging sa pagpapahinog at handling ng mga mangga.

Bukod sa lectures tungkol sa harvesting at packaging, ipinakita rin sa pagtuturo at demonstrasyon ni Leonisa Artes, na mula sa Postharvest Horticulture Training Center ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna, ang pamamaraan ng pagpapahinog ng mangga gamit ang hot water treatment upang mabawasan ang pagkabulok na dulot ng pesteng anthracnose at iba pang fungal diseases at insekto, maalis ang dumi at dagta, at magkaroon ng sabay-sabay na pagkahinog ang mga naaning mangga.

Sa mensahe ni Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo Bautista, isa lamang ang naturang pagsasanay aniya sa mga serye ng trainings at seminars na ihahatid ng pamahalaang panlalawigan para sa mga magsasaka ng Batangas, sang-ayon sa adhikain ni Governor DoDo Mandanas na higit pang maitaas ang antas ng agrikultura sa lalawigan.

Ang naturang pagsasanay, na ginanap sa PAFE Center, ay dinaluhan ng mga kinatawan ng Batangas Mango Growers Federation mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan.

Jun Magnaye / Photos: Mac Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.