Pilot Areas sa Batangas Province ng Disability Data Management System Program, Nakatanggap ng Tablet Computers

Local Government Support Fund (as of June 30, 2022)
July 20, 2022
Mga Opisyal ng Batangas Association of Local Disaster Risk Reduction and Management Officers, Nanumpa
July 20, 2022

July 20, 2022

Bilang pakikiisa sa Disability Data Management System Program (DDMS) ng Batangas Provincial Persons with Disability Affairs Office (PDAO), pinagkalooban ng International Labor Organization ng Samsung Galaxy A7 Lite Tablet computers ang limang bayan sa Lalawigan ng Batangas.

Kabilang sa mga nakatanggap ng libreng gadget ang PDAO at Organization of Persons with Disabilities (OPD) ng Munisipyo ng Calatagan, Human Resources at Disaster Risk Reduction Management Offices ng Pamahalaang Bayan ng San Pascual, Community Workers ng Munisipyo ng Cuenca, Social Welfare and Development Office/PDAO at Development Worker ng Pamahalaang Bayan ng San Juan, at mga PDAO Clerks ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Ang mga naturang local government units ay kabilang sa pilot areas ng Disability Data Management System Program, kung saan ang mga tablet computers ay magagamit para sa DDMS training at cognitive testing, habang ang ilan ay para sa mga PDAO staff.

Pinangunahan ni Gov. DoDo Mandanas, kasama si PDAO Consultant Edwin De Villa, sa turnover ng tablets sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound sa Lungsod ng Batangas, nitong Hulyo 18, 2022.

Vinson-Roi C. De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.