Partnership para sa Kalikasan, Likas na Yaman, Nilagdaan ng Batangas Capitol at Ramon Aboitiz Foundation, Inc.

Notice of Vacant Positions
September 15, 2023
Resolution No. 1306 Year 2023 – Providing for the Passage of Calendar Year 2023 General Fund Supplemental Budget No. 2 of the Province of Batangas
September 18, 2023

September 18, 2023

Lumagda ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ni Governor Hermilando “DoDo” I. Mandanas, sa isang Memorandum of Understanding (MOU) na naglalayong mapalakas at mapagtibay ang pagtutulungan para sa proteksyon at pangangalaga ng likas na yaman sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagtatanim ng mga halaman at punong-kahoy sa buong Lalawigan ng Batangas.

Naging katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa kasunduan ang Ramon Aboitiz Foundation, Inc. (RAFI), na kinatawan ng President at Chief Executive Officer nitong si Amaya Cristina Aboitiz-Fansler, noong ika-8 ng Setyembre 2023 sa Lima Park Hotel, Malvar, Batangas.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon, na hangad ang pagkakaroon ng isang maayos, malinis at luntiang kapaligiran, sina G. Luis A. Awitan, department head ng Provincial Government Environment and Natural Resources Offce (PGENRO); Dr. Rodrigo Bautista, pinuno ng Provincial Agriculture Office; G. Anthony C. Dignadice, RAFI One to Tree Program Director; at iba pang staff ng PGENRO at RAFI.

PGENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
81

Comments are closed.