Sa Lalawigan ng Batangas, Numero Uno ang Kabataan, Edukasyon. Matapos pansamantalang maipagpaliban dahil sa ipinatupad na ‘election ban’ alinsunod sa isinagawang 2019 Midterm Elections, 1,775 na Batangueño college student-grantees ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na nagkakahalaga ng P10,429,000, sa mga distribution na isinagawa mula May 20 hanggang 24, 2019. Photo: JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO
May 22, 2019

Ipinagpapatuloy nang muli ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagbibigay ayudang pang-edukasyon sa mga kabataang Batangueño, matapos pansamantalang maipagpaliban dahil sa ipinatupad na ‘election ban’ alinsunod sa isinagawang 2019 Midterm Elections.
Ang pamamahagi ng educational assistance sa mga benepisyaryong mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa lalawigan ay pinangunahan ng Office of the Provincial Governor (OPG), katuwang ang Provincial School Board (PSB)- Scholarship Division.
Noong ika-20 ng Mayo ay namahagi ng mahigit sa P7 Milyon sa 1,181 grantees na ginanap sa Provincial Auditorium. Sinundan ito ng distribution ng may kabuuang halagang P1,097,000 sa 311 grantees, na isinagawa noong ika-22 ng Mayo 2019 sa Brgy. 6, Tanauan City.
Bukod dito, 174 students ang nabigyan ng kanilang assistance sa Batangas State University – Nasugbu, habang 214 ang sa Bulwagang Batangan sa Kapitolyo.
May kabuuan nang 1,775 na grantees ang nakatanggap ng educational assistance, na nagkakahalaga ng P10,429,000, nitong nakaraang linggo. Ngayong 2019, umabot na sa 25,230 ang scholars ng Kapitolyo, na patuloy pang madaragdagan sa pagsasagawa ng qualifying examinations. – Marinela Jade Maneja & Mon Carag, Batangas Capitol PIO