Pagsasanay Tungkol sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, Patuloy na Isinasagawa

Notice of Vacant Position
September 4, 2018
Batangas Province, Nakilahok sa Philippine Travel Mart 2018
September 5, 2018

September 05, 2018

Sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor Dodo Mandanas, na mas mapataas pa ang antas ng kakayahan at pag-unlad ng kabuhayan ng sektor ng kababaihan, muling nagsagawa ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang Samahang Batangueña at local government units, ng isang pagsasanay para sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa na ginanap noong ika-4 ng Setyembre 2018 sa San Nicolas, Batangas.

Ang nasabing pagsasanay ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ni 3rd District Board Member Divina G. Balba at dinaluhan ng 30 miyembro ng Samahang Batangueña ng San Nicolas, Batangas. Ang training ay napiling isagawa sapagkat, bukod sa in-demand ito, ang ganitong uri ng kabuhayan ay maaaring trabahuhin sa kanilang mga libreng oras. Nabigyan din ng starter kit ang mga dumalo. Ang proyektong ito ay pinangunahan ni Ms. Marites De Chavez ng PSWDO, na tumayong pangunahing tagapagsanay. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.