Pagpupugay sa mga Ina. Hinandugan ng rosas at tsokolate ang bawat ina sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa simpleng Mother’s Day celebration noong ika-20 ng Mayo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas. Kabilang sa mga dakilang ina ng Batangas Capitol, sina (mula kaliwa) Executive Assistant Imee Gonzalvo, 2nd District Board Member Arlene Magboo at Chief of Staff Abel Bejasa. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
May 20, 2019

Bagaman at bahagyang naipagpaliban kumpara sa mismong petsa ng Araw ng mga Ina ngayong taon na May 12, hindi naman nagpahuli ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pagbibigay-pugay sa mga dakilang inang kawani noong ika-20 ng Mayo 2019 sa Provincial Auditorium sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.
Ang selebrasyon ng Mother’s Day ay sinimulan ng isang programa, kung saan inihandog ang isang dance number mula sa mga mag-aaral ng OB Montessori, ang child development center sa Kapitolyo, na lubos na ikinatuwa ng kanilang mga ina at lola.
Habang hinarana ng mga awitin mula sa mga piling empleyado, hinandugan naman ang mga ina ng bulaklak at tsokolate mula kay Gov. DoDo Mandanas.
Pagkatapos nito, nagkaroon naman ng libreng hair cut, massage, manicure at pedicure para sa mga dakilang ina ng pamahalaang panlalawigan. – Marinela Jade M. Maneja, Batangas PIO