Mga Opisyal, Kawani ng Kapitolyo Hinikayat Sumali sa PAF Reserve Command

Helping Batangueño Kids Smile
February 5, 2018
Notice of Vacant Positions
February 7, 2018

Philippine Air Force Reserve Command. Hinikayat ni Lt. Col. Leodigario V. Macalintal ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sina Vice Governor Nas Ona at buong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ika-5 ng Pebrero 2018 sa Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City na sumali sa reservist program ng PAF. Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Shelly M. Umali – Batangas Capitol PIO

February 6, 2018

Philippine Air Force Reserve Command. Hinikayat ni Lt. Col. Leodigario V. Macalintal ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sina Vice Governor Nas Ona at buong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ika-5 ng Pebrero 2018 sa Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City na sumali sa reservist program ng PAF. Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Shelly M. Umali – Batangas Capitol PIO

Bago simulan ang ika-apat na regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ika-5 ng Pebrero 2018, binigyang daan muna nina Vice Governor Nas Ona at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang isang paanyaya at presentasyon ng Philippine Air Force sa pangunguna ni Lt. Col. Leodigario V. Macalintal, Commanding Officer of the 3rd Air Force Reserve Center, patungkol sa kanilang Programang Reserve Force.

Ang nasabing programa, alinsunod sa Republic Act 7077 o Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act ay naglalayon na mapalawak ang suporta sa Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines sa panahon ng digmaan, pananakop at rebelyon. Layon din nitong paigtingin ang pagsasanay at itaas ang antas ng kapasidad ng mga makikilahok upang maging pangunahing katuwang sa disaster response at rescue operations at, higit sa lahat, ay ang pagtataguyod ng pag-unlad sa mga komunidad.

Ayon kay Lt. Col. Macalintal, maraming reserve officers na nasa serbisyo publiko ang nagawaran na ng ranggo, kabilang na ang dating gobernadora at ngayon ay naninilbihang kinatawan ng ika-anim na Distrito ng Batangas, Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Ang programa ng PAF ay may anim na grupo o Sources of Commission, at ang mga halal na opisyal ng gobyerno ay nabibilang sa ika-anim na cluster, na kung saan ang bawat posisyon ay may equivalent rank. Ang Provincial Board Member at Vice Governor ay maaring ma-komisyon bilang Major, samantalang Lieutenant Colonel naman para sa Provincial Governor.

Ang isang aplikante ay hindi dapat mas mababa sa 21 taong gulang o higit sa 64 taong gulang sa panahon ng pagkakatalaga. Kailangan din na maisumite ang mga hinihinging requirements at dapat pumasa sa pisikal na pagsusuri.

Lubos naman ang pasasalamat ni Lt. Col. Macalintal sa naging mainit na pagtanggap sa Hukbong Himpapawid ng Pilipinas at umaasa na maging parte ng programa ang Bise Gobernador at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas.

Samantala, naging katuwang ni Lt. Col. Macalintal sa pagtalakay ng Reserve Force Program sina 1st Lt. Gloria D. Matanguihan, Technical Sergeant Joland Delos Reyes, Staff Sergeant Jason Recinto at Sergeant Raymond Guiriba. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.